MHSL 14

131 93 14
                                    


Kristel Pov

"Ayan! Yung ingredients natin para makagawa tayo ng cake"-sabi ko kila Arianne nandito kami sa room wala naman kaming ginagawa kaya pinag-uusapan na namin yung surprise namin para kay shy tinutulungan namin si Eduardo tangina ang swerte niya sa kaibigan namin todo effort sinama pa kami.

"Bakit hindi na lang tayo bumili sa Goldilocks?"-sabi ni Nicole

"Sa Red Ribbon nalang."-sabi naman ni Arianne

"Sa Goldilocks mas masarap dun."-Nicole

"Hindi. Bhe mas masarap sa Red Ribbon."-Arianne

"Bhe kalokohan bakit tinawag na Red Ribbon bakit pula ba yung cake nila? May Ribbon ba dun sa cake?"-Nicole

"Bakit yan bang Goldilocks mo?! Isda! Gold ba yan?! Kulay dilaw naman yung theme nila except lang sa ribbon nila."-sigaw ni Arianne kay Nicole

"Pwede ba tumahimik kayo!"-sigaw ko sa kanila tangina pinagaawayan yung cake.

"Pwede naman."-sagot ni Arianne

"Bakit naghahanap pa kayo ng iba nandito na oh gagawin na lang nalang natin saka maghahanap na lang kakailangan dito sa cake."-sagot ko sa kanila sayang naman pagpapakahirap ko kung babaliwalain lang nila.

"Bhe appreciate naman namin yung paghihirap mo diyan, pero isipin mo naman wala tayong kagamitan para diyan."-sabi ni Nicole oo nga pala...

"Pero gusto kong mag bake."-malungkot na sabi ko.

"Makakapag bake ka naman Kristel not now but soon."-sabi ni arianne

"Teka nga maiba nga tayo nakahanap ka na ba ng place kung saan gaganapin ito."-tanong sakin ni Nicole

Umiling naman ako "Hindi pa."

"Oh unahin mo muna yung place bago yung mga pagkain."-sabi ni Nicole

"Bakit ako?"-tanong ko sa kanila bakit kasi ako yung nagplaplano ang usapan kasi si Maria magmamanage nito, hinanap ng mata ko si maria at nakita ko naman ito nakikipag-usap kay nerd seriously gaano ba sila ka close at lagi na lang sila nag-uusap.

"Maria!"-tawag ko sa kanya tumingin naman ito saakin pinalapit ko naman siya saamin.

"Bakit mo tinawag?"-mahinang tanong sakin ni Arianne

"Bakit? Diba siya yung bahala dito."-sagot ko naman sa kanya

"Tanga! Hindi siya sasama may pupuntahan daw siya."-sagot ni Arianne

"Edi makipagtulungan na lang siya saatin hello anniversary to ng kaibigan niya."-sagot ko kay Arianne napansin ko namang nakalapit na si Maria saaming upuan.

"Bakit?"-tanong ni Maria

"Naghahanda kami para sa anniversary nila Eduardo baka gusto mo naman tumulong?"-sagot ko sa kanya

"Ahh ano na ba napag usapan niyo."-tanong ni Maria habang tinitignan yun ingredients ng cake.

"Wala pa."-sagot ko

"Puro pagkain pa lang kasi pinaplano ni Kristel eh."-sabi Nicole

"Hindi niyo kaya ako tinutulungan."-sabi ko

"Nakahanap na ba kayo ng place?"-tanong ni Maria

"Hindi pa."-sagot ko nalang.

"Ganito na lang gawin niyo maghanap na lang muna kayo ng place yung simpleng kainan lang ba saka niyo na abalahin yung pagkain dahil dun niyo na lang ipapaluto babayaran niyo na lang."-explanation ni Maria

My High School Life (Completed)Where stories live. Discover now