MHSL 51

79 34 9
                                    


Dapat kasi hindi nalang ako bumaba sa kotse e, hindi ko na tuloy yung daan papunta sa bahay namin, ngayon palang naman kasi ako nakapunta dito. Malay ko bang magkakaganito kami, sino ba namang babae hindi masasaktan sa sinabi niya no, ikaw pa namang sabihan ng ganun. Present girlfriend ako tapos pag-uusapan ninyo yung ex-girlfriend niya kung gaano nila kamahal yung isa't-isa at kung gaano kasaya saka kasalanan ko bang minahal niya ng sobra yung babaeng yun, at kahit kailanman hindi ko siya mapapantayan.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa sumakit yung paa ko kaya naman umupo muna ako. Hanggang ngayon nasa kalsada pa din ako, may mga dumadaan namang mga sasakyan pero hindi ko alam yung sasakyan ko. Saka wala di rin ako nakapag dala ng pera hays napakamalas ko naman.  Nilabas ko naman yung cellphone ko para tawagan yung mga kaibigan ko. Cellphone tuloy nadadala ko pero yung pera iniwan. Isipin niyo kung gaano ako katanga.

Arianne Dialling

Nakakailang dial na ako sa number ni Arianne pero hindi niya ito sinasagot, ang sumasagot tuloy yung walang kwentang operator. Sumuko naman na ako, kaya ibang number nalang dinayal ko.

Nicole Dialling

Isa din ito tumutunog naman kaso ang tagal sumagot, ilang minuto lang din ng sumagot ito.

"Oh?"-Nicole, ang ganda ng sagot niya no.

"Hmm. May ginagawa ka ba ngayon?"-tanong ko. Tinanong ko muna, baka kasi maka-istorbo ako e, mahirap na baka pareho sila ng Mama niya matanggal sa trabaho.

"Madami."-simpleng sagot nito.

"Ah okay."-nalulungkot kong saad sa kanya. Saka ko tinapos yung tawag.

Eduardo Dialling

Hindi pa naman nag-iisang minuto nang sagutin niya ang tawag ko.

"Hello?"-Eduardo

"Uy, baka pwede mo naman ako sunduin dito oh."-pagmamakaawa ko sa kanya.

"Nasan ka ba?"-tanong nito, agad naman ako napangiti sa naging sagot niya.

"Hi-Hindi ko nga alam kung nasaan ako e, pero please Eduardo sunduin mo ko."

"Epaano kita masusundo, kung pati ikaw hindi mo alam kung nasaan ka, saka pasensya kana ha, hindi kita masusundo marami kaming costumer.
/Hoy Eduardo asikasuhin mo yun oh."

"Hays... Busy ka nga sige mag trabaho kana."-nalulungkot kong sagot sa kanya.  Isa nalang ang tatawagan ko, huminga muna ako ng malalim saka pinidot ang kanyang number.

Kristel Dialling

Matagal pa bago sumagot si Kristel.

"Oh, Hello bakit ba?!"-sigaw na sagot nito sa akin.

"Galit?"-cold kong sagot sa kanya.

"Haha. Hindi naman sa ganun Maria, oh ano kamusta na kayo ni Clyde ayos na ba kayo---"

My High School Life (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon