MHSL 8

154 108 22
                                    


Maria Pov

Nandito ako ngayon sa labas naglalakad papauwi na sana ako ng tawagin ako ni Kristel saka nilapitan.

"Bhe sama ka?"-sabi ni Kristel ng nakangiti.

"Sa---? Uy?"-hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil niyakap niya yung braso ko sa kanya saka hinila sa kung saan man muli akong nagsalita saka tumingin sakanya "saan ba tayo pupunta?"tanong ko muli sa kanya hindi mapigilan yung katawan kong hindi mapasunod sa kanya dahil unang-una ay mas matangkad siya sakin kaya nahihila niya akong ganitong kadali.

"Kung saan pwede tayong dalhin ng mga paa ko."-sabi niya ng hindi tumitingin saakin.

"Teka lang naman hindi pa ako kumakain..."

"Pwede ba mag diet ka muna saka makakakain ka din no pagkarating natin sa destinasyon natin."-Kristel

"Diet? Madaling sabihin mahirap gawin, saka isipin mo naman hindi ako kumain kaninang recess."

"Kasalanan ko ba yun?"sabi niya saka tumingin sakin tapos may kinuha sa kanyang bulsa at binigyan ako ng isang candy(maxx).

"Candy?"

"Oh may reklamo ka?"-taray niyang sabi sakin umiling nalang ako sa kanya para hindi bawiin sakin yung candy sayang din to wala akong pagkain at minsan lang magbigay ng biyaya si Kristel kaya wag na babalewalain. Kinain ko nalang yung candy na binigay niya saakin ng malayo-layo na kami sa school namin at hindi ko naman alam kung saan kami pupunta. Nang matunaw na yung candy sa bibig ko ay nauhaw naman ako ang init-init kaya tapos kami ito naglalakad sa initan.

"Bhe nauuhaw na ako san ba tayo pupunta? Ayoko na suko na ako."-sabi ko sa kanya grabe nahihilo na ako at nagugutom sa susunod nga kakain na ako ano ba kasing pumasok sa isip ko at hindi ako lumabas kanina ito tuloy nagdurusa ako. Hindi ako pinansin ni Kristel at lakad lang kami ng lakad ng makadaan kami sa isang carinderia ay laking pasalamat ko dahil makakain na siguro ako.

(Buti naman at may awa ka pa sakin Kristel.)

Pinakawalan na ni Kristel yung kamay ko saka pumunta sa kung saan ako naman agad akong umupo sa upuan ng carinderia saka nagtaas ng kamay para lapitan ako ng ale at hingiin yung order ko. Pero bigla na lamang binababa yung kamay ko ni Kristel at may dala-dalang tubig at binigay sakin kaya agad ko itong kinuha at ininom ng maubos ko na yung tubig ay bigla na lamang akong tinayo ni Kristel at naglakad palayo sa carinderia nagpumiglas naman ako saka siya tinignan at nagsalita.

"Akala ko ba kakain tayo?!"

"Nakiinom lang tayo hindi tayo kakain saka may pera ka ba?"

"Oo!"

"Oh, edi mamaya kana kumain kung makarating na tayo sa destinasyon natin."

"Saan ba kasi yon? Bakit hindi na lang tayo sumakay? Oh tignan mo ang init-init."

"May pamasahe ka ba?"

"Oo"

"Edi tara sumakay na tayo."

"Ano? Wag na maglakad na lang tayo kung kailan pagod na pagod na tayo dun mo pa naisipang sumakay tara tiisin ko nalang to."sabi ko saka naunang maglakad. Nakarating na kami sa destination daw namin pero papuntang bahay to kila Arianne ha anong gagawin namin dito?

"Anong gagawin natin kila Arianne?"tanong ko kay Kristel

"Tatambay. De joke lang halika dito may ikwekwento ako sayo."-sabi ni Kristel saka ako inakbayan at nagkwento medyo malayo pa naman yung bahay ni arianne kaya nakwekwentuhan niya ako tungkol sa nangyari at bakit kami nandito.

My High School Life (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon