MHSL 20

121 85 6
                                    


Maria Pov

"Kyle..."-tawag ko kay Kyle saka kinakalabit, dahil kanina pa siya tinatawag ni Ma'am para hingiin yung project niya.

Tumingin naman siya saakin, na nagtataka. "Tawag ka ni Maam."-sabi ko sa kanya, tumingin muna si Kyle sa harap kung saan nakaupo si Maam saka dahang-dahan tumayo tapos naglakad papunta kay Maam... Bakit ang tamlay niya ngayon?

"Anong nangyayari sayo Kyle ha, nakailang tawag na ako sayo."-sabi ni Ma'am, nakita ko namang yumuko lang si Kyle saka may sinabi ito kay maam, hindi ko naman ito narinig dahil nasa pangngatlong row.

Saka wala namang makakarinig dahil ang hina lang ng pag-uusap nila parang nagbubulungan lang, nakita ko namang hinawakan ni Ma'am yung siko ni Kyle saka bakas din sa kanyang mukha na nag-aalala. Anong nangyari?

"Wala na daw yung tatay ni Kyle."

"Huh, What do you mean, wala na?"

"Nawala. Namatay na. Bobo naman nito."

Narinig kong pag-uusap ng mga kaklase kong tsismosa, kaya agad akong pumunta sa labas ng pintuan namin sa room.

Napagdesisyunan kong hanapin siya, pero bago ko hanapin si Kyle ay pumunta muna ako canteen saka umorder ng pagkain para sa batugan--- ay este para pala kay Yohan.

Nakita kong papalapit sakin si Kristel kaya agad kong binigay yung tray kong dala para kay Yohan, saka ito pinaki-usapan na ibigay ito sa lalaking yun, di ko na hinintay yung magiging sagot niya, dahil kaagad kong hinanap si Kyle kung saan man siya naroroon. After ng ilang minuto ay hindi ko pa din siya nahahanap.

Nilibot ko na itong school, di ko pa din siya nahahanap. Babalik na sana ako sa room, dahil sa wala na akong maisip sa pwedeng puntahan ni Kyle nang maalala ko yung lugar kung saan niya ako dinala noong umiiyak ako dahil sa kaibigan ko, at yung unang pag-uusap namin.

Kaya kaagad akong tumakbo papunta sa lugar na yun. Yun na lang yung lugar na hindi ko pa pinupuntahan. Nang makarating na ako ay agad kong nakita si Kyle na nakaupo sa ilalim ng puno saka nakayuko yung ulo, saka magkahawak yung kamay.

Kaagad ko siyang nilapitan saka umupo sa tabi niya, umangat naman ang kanyang ulo, saka tumingin saakin, nagulat naman ako dahil nakita ko sa kanyang mukha na umiiyak saka tagaktak din ang pawis niya sa noo, nang mapansin niya sigurong nagulat ako dahil sa nakita ko siyang umiiyak.

Ay kaagad niya pinunasan yung luha niya gamit lang yung kanyang kamay, habang nakatingin sa malayo. Hindi ko alam, pero agad kong nilabas yung panyo ko galing sa bulsa saka pinunasan yung luha niya, tumigil naman sa pagpupunas si kyle dahil sa ginawa ko kaya tumingin ito sa akin.

(Di ko alam kung bakit ko yun ginawa? Siguro ginagantihan ko lang siya dahil ginawa niya din ito saakin noon.)

Tinigil ko naman yung pagpunas sa kanyang luha, dahil nga nakatingin siya saakin, inilahad ko naman sa kanya yung panyo, pagkatapos ay ngumiti. Tumingin muna ito sa panyo ko saka kinuha, at siya nagpatuloy ng pagpupunas ng kanyang luha.

"Pasensya na ha, nakita mo akong ganito."-sabi niya

"Hindi naman, masamang umiyak e."-sabi ko na lamang. Hindi naman siya sumagot. "Ah.. Siya nga pala kyle condolence."-muling sabi ko sa kanya. Ngumiti lang naman siya, pero bakas sa kanyang mukha na naluluha na naman.

"Alam mo na pala."-sabi niya lang sakin. Hindi ko naman pinansin yung kanyang sinabi.

"Pero... Bakit pumasok ka pa? Bakit di ka pumunta dun sa burol ng papa mo?"-tanong ko sa kanya

My High School Life (Completed)Where stories live. Discover now