MHSL 31

92 69 2
                                    

Maria Pov

Nasa pov ko na naman kayo hindi ko alam kung anong maikwekwento ko sa inyo dahil wala namang interesting mangyayari dito? Bakit ko nasabi? Mismong ako din naman e, naboboring dahil ang pinag-uusapan ng mga buong klase kasama si Maam yung gaganaping Christmas party. Hindi na ako nakikinig diyan dahil hindi naman ako pupunta! Matulog na lang ako sa bahay, ikakasiya ko pa yun. So ayun na nga iginurupo kami ni Maam para daw kami yung mag-organized ng party at ka grupo namin nila Kyle yung grupo ni Clyde kasama yung mga kaibigan ko. Dahil sa tapos na kami grinupo ni Maam nandito kami ngayon sa isang sulok ng kwarto ng room namin pinag-uusapan yung tungkol sa Christmas party ay sila lang pala hindi na ako nakikisali.

"Maria? Nakikinig ka ba?"-tanong sakin ni Daisy, gulat naman akong napatingin sa kanya dahil kanina pa sila nagsasalita pero di ko sila pinapakinggan.

"H-huh? Ano yun?"-tanong ko sa kanila, lahat kasi sila nakatingin sa akin at hinihintay yung magiging sagot ko. Tumikhim naman si Daisy.

"Sa bahay ko, tayo gagawa ng pagkain natin, kaya maaga dapat kayo pumunta dun."-sagot sakin ni Daisy, paano ko ba sasabihin sa kanila na hindi ako makakasama sa kanila.

"Ah... Pasensya na... Hindi ako makakapunta sa Christmas Party."-nahihiya kong saad sa kanila, nagulat naman yung mga kaibigan ko dahil sa sinabi ko, noong una pa naman kasi pinag-usapan na namin na aattend kami sa lahat ng events dito sa school lalo na yung Christmas Party, pero hindi naman ako nangako na sasama ako sa lahat ng events dito sa school.

"Huh? Bakit?"-tanong sakin Kyle na katabi ko ngayon.

"Ah! Sasama siya! Binibiro lang kayo ni Maria."-sagot ni Kristel sa tanong ni Kyle na katabi ko lang din pinag-gigitnaan kasi nila ako. "Ikaw naman anong sinasabi mong di ka sasama! Pinag-usapan na natin to ha."-mahinang saad sakin ni Kristel. Hindi ko naman na sinagot si Kristel, dahil mapapahaba lang usapan kapag sumagot pa ako sa kanya dahil sa huli din naman ay mapapayag nila ako.

Nandito ako ngayon sa corridor papunta sa Cr katatapos lang namin mag break time, kaya hanggang may natitira pang ilang minuto ay napag pasiyahan kong mag cr muna ako, mamaya ay maihi na lamang ako mabuti kung nagpapalabas yung guro namin, ayaw nila kaming palabasin kung sakaling nagtuturo sila baka daw kasi tumatambay lang daw kami sa labas ng room in short magcucutting daw kami sa klase nila. Kaya yun na lamang yung dahilan kung bakit di kami pinapalabas kahit ihing-ihi na kami de joke lang pinapalabas naman kami. sa ibang mga guro pero kapag umayaw na talaga na hindi talaga pwede lumabas hindi talaga pwede dahil unang pasukan pa lang namin pinag-usapan na namin sa oras ng break time lang kami lalabas at doon na pwede gawin yung gusto naming gawin kasama na dun yung mag cr ka para hindi na istorbo sa teacher kung sakaling magpapaalam ka para mag cr. Habang pababa ako sa hagdan napahinto na lamang ako nang makita yung nasa harapan ko ngayon sila Clyde saka si Xam. Pati ba naman sa hagdan makikipaglampungan sila dito iba talaga to si Xam walang pinipiling lugar! Sa katunayan wala pa naman silang ginagawa pero darating naman sa ganun diba? Nakita ko lang naman na binigyan si Clyde ng isang regalo ni Xam at tinanggap naman ito ni Clyde. Mabuti na lamang nasa loob ng mga bawat room yung mga estudyante dito at walang nakakita sa kanila kundi ako lamang, napansin siguro nilang may nakatingin sa kanila kaya sabay silang napatingin sa akin.

"Kanina ka pa diyan?"-tanong sakin ni Xam pero may bakas sa kanyang boses na galit.

"Ahh... Hindi ah! Mga isang minuto lang siguro ganun."-sagot ko sa kanila saka umiiwas ng tingin sa kanila, pagkatapos kong sagutin yung tanong ni Xam ay nagpatuloy akong bumaba at sa gitna pa nila ako dumaan.

............................

Nandito kami ngayon sa gate ng school nakikisulong kami sa guard house dahil umuulan ngayon at wala din akong dalang payong pati na din mga kaibigan ko kaya pareho kaming lima nakikisilong lang dito samahan mo pang ang lilikot nila at nagtutulakan pa. Nakita ko namang may kotseng huminto sa harap at pagkabukas ng bintana nito ay bumungad samin yung pagmumukha ni Dwight, pinapasakay na si Nicole napatingin naman ako kay Nicole na bakas sa kanyang mukha na kinikilig o nahihiya? Napapansin kong napapalapit sila sa isa't-isa ni Dwight.

"Oh, sinusundo ka na ng boyfriend mo."-sabi ni Kristel kay Nicole.

"Di ko yan boyfriend noh? Manahimik ka nga diyan."-sagot naman ni Nicole, tinawanan lang namin ni Kristel si Nicole

"Sumakay ka na, pinaghihintay mo pa e!"-sabi ni Arianne saka tinulak si Nicole, wala naman nagawa si Nicole kundi lumapit sa kotse ni Dwight pero hindi pa ito sumasakay nag-uusap lang sila nito. Nagtataka naman ako sa kanila ginawagawa, pwede naman sila mag-usap sa loob ha, bakit ayaw pa ni Nicole sumakay nababasa na siya ha. Maya-maya lang din ay naglakad palapit sa amin si Nicole.

"Sumabay na daw kayo, ihahatid na daw kayo ni Dwight."-saad ni Nicole
"Ay, hindi na! Nakakahiya naman e!"-sagot ni Kristel. Sa totoo niyan gustong-gusto ni Kristel makisabay sa kanila lalo na nandiyan yung isa niyang Bebe daw kuno.

"Ayaw niyo?"-tanong ni Nicole saamin. Wala pang isang minuto na napansin kong wala na akong katabi at nakita ko na lamang na nagmamadali na yung tatlo sumakay sa kotse.

"Ikaw?"-tanong sakin ni Nicole napansin niya kasing hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.

"Hindi na, maglalakad na lang ako."-sagot ko sa kanya. Sa katunayan ayoko talagang sumabay sa kanila lalo nang makakasabay ko din si Dwight pagkatapos nang ginawa ko sa kanya.

"Sige... Ingat ka."-pagpapaalam sakin ni Nicole saka naglakad papunta sa kotse at sumakay pagkatapos ay umalis na sila, naghintay pa ako ng ilang minuto at hinihintay humupa yung ulan pero sadyang hindi nakikisama yung langit at lalo pang lumakas yung ulan, ako na lamang ang natitirang estudyante dito sana pala sumabay na ako sa kanila, bakit ba kasi napaka-pride ko. Napansin ko namang may tumabi sa akin kaya napatingin ako dito si Clyde lang pala nakalimutan kong sabihin, nahuhuli siyang umuuwi dahil may inaasikaso pa siya loob ng paaralan namin.

"Bakit nandito ka pa?"-tanong nito sa akin, tumingin muna ako sa kanya saka tumikhim.

"Wala akong dalang payong, saka di din ako makasakay dahil wala akong pera."-sagot ko sa kanya, sa totoo lang meron akong pera kaso ayokong gumastos ibibili ko ito ng pagkain ko, ayoko naman mabawasan mabuti kung bibigyan ako ng mga magulang ko.

"Naging estudyante ka pa."-sagot nito sa akin, hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya sakin.

(Bakit ba? E sa ayaw ko bawasan yung pambili ko ng pagkain e.)

Nakita ko namang may nilabas siyang payong galing sa dala niyang paper bag, hindi ko alam kung yan ba yung binigay ni Xam sa kanya, pagkatapos nito nilabas ay ibinuklat niya ito, mukhang bago pa ito. Nagulat naman akong ibinigay niya ito sa akin.

"Ah... Wag na! Galing yan kay Xam e, baka magalit na lamang yun dahil ginamit ko yung dapat sayo."-sagot ko kay Clyde.

"Hindi ito kay Xam kay Mama to."-sagot sakin ni Clyde, tinanggap ko naman yung payong hawak niya at walang pasabing naglakad palayo saakin at sumakay sa kanyang kotse na nakaparada sa tapat ng school. Parang mas gusto kong sumabay na lang sa kanyang kotse kaysa sa pinahiram niya sakin yung payong ng Mama niya.

(Ano bang iniisip mo Maria?!)

My High School Life (Completed)Where stories live. Discover now