MHSL 36

97 62 6
                                    

Eduardo Pov

"Bakit ba todo kayo review! E, mag-ququiz pa lang naman tayo."-saad ko kila Arianne, paano ba naman kasi abala silang nagbabasa ng math notebook or math book na yan.

"Eduardo kung ayaw mo nang maka-score ng mataas, wag kang mangistorbo."-walang emosyon na sagot ni Nicole

Hindi ko na lamang sila kinulit at tumingin sa likod kung saan nakaupo si Maria, na abala ding nag rereview sa math. Buti pa sila natitiis nilang basahin o tignan man lang yung mga numerong nakasulat sa notebook nila, Samantalang ako tignan ko pa nga lang sumasakit na yung mga mata ko.

Saglit lang din ay dumating na yung teacher namin sa math kung saan siya yung dahilan kung bakit todo review yung mga kaklase ko, pagkadating ni Ma'am ay nagsi-ayos na ng upo yung mga kaklase ko at yung mga iba naman ay itinago na nila yung mga notebook, libro nila, meron pa ngang ibang klasmyt ko isinulat nila yung formula sa palad nila. As if naman magagamit nila yun, e bago mag bigay ng quiz si Ma'am tinignan niya muna yung mga palad namin o kung saan pa mang pwedeng pagsulatan namin.

Nang bigyan na kami ni Ma'am ng test paper ay nagsimula na kaming mag-sagot pero natigilan na lamang ako nang tignan ko yung test namin, grabe sakit sa mata! Di ko kayang tignan yung tipong pagkabungad agad sayo ng test number kaagad makikita mo, Dahil hindi ko alam yung isasagot sa test paper ko ay tinignan ko na lamang ito. Pasimple akong tumingin sa papel ni Clyde kung saan katabi ko lang siya ngayon pero wala akong makita, dahil sa wala akong makita ay ibinaling ko ang aking mata kay Arianne na abalang nagsasagot. Siguro marami nang nasagutan ito. Kaya pasimple ko itong kinalabit dahil si Ma'am ino-obserbahan kaming magsagot. Tumingin naman sa akin, itinuro ko naman yung test paper ko na ang ibig-sabihin kung anong sagot.

"Mamaya."-sagot nito sa akin, sabay balik sa kanyang pagsasagot sa test paper.

Ilang minuto lang din habang nagsasagot ako ay laking gulat ko na lang na may hinagis si Ma'am na ballpen case ni Xam gawa ito sa cartoon at nilagyan niya ng cute ng mga design napatingin na lamang ako sa likod ko dahil nasa likod namin nakaupo si Xam na nakatayo ngayon at naluluha. Lahat kaming magkakaklase ay napatingin kay Xam.

"Honored student ka pa naman tapos nagagawa mong mandaya!"-sigaw ni Ma'am kay Xam, nagulat naman kaming lahat sa sinabi ni Ma'am at yung iba ay nagbulungan pa. Napatingin naman ako sa hinagis kanina ni Ma'am na ballpen case ni Xam at naroon nga yung mga sagot sa math, nakabukas kasi yung case na iyon kaya nakita namin.

"So-sorry po Ma'am hi-hindi ko po sinasadya."-humihikbing saad ni Xam, pagkatapos sabihin yun ni Xan ay lalo pa kaming nagulat sa sinunod na ginawa ni Ma'am, pinunit ni Ma'am yung test paper ni Xam sa harap niya.

"Sumama ka sakin sa office."-saad ni Ma'am "Buenavista! Collect all the test papers."-utos ni Ma'am kay Kyle bago lumabas ng room.

Pagkalabas ni Ma'am kasama si Xam ay nagsimula namang mag-ingay yung mga kaklase ko.

"Kaya pala honored student may pinagkokopyahan pala."

"Hindi pala lahat ng matalino,nangagaling sa utak yung iba nanggaling lang sa kung saan."

"Basta ako okay lang maging zero, kaysa naman sa perfect nga nanggaling naman sa maling gawain!! Cheater!"

Ilan lamang yan sa mga naririnig ko mula sa mga kakaklase ko, kahit wala yung mga pinaparinggan nila dito sa classroom ay todo parinig sila. Bigla namang tumayo si Pardiñas isa sa mga kaibigan ni Xam.

"Makapagsabi kayo ng cheater, mandaraya ha! Bakit hindi niyo ba yun nagagawa!"-sigaw niya, ilang segundo din nanahimik yung mga kaklase namin nang may isa sa aming kaklase namin sumigaw.

"Basta mandaraya yung kaibigan mo!"

"Oo nga!!! Sinisira niya yung image niya sa ating classroom!"

"Hindi naman kami makakapayag na maging honored student pa siya pagkatapos naming malaman na mamdaraya pala siya."-pagproprotesta ni Dimapakali, isa sa mga kaklase ko. Nasa kalagitnaan yung mga kaklase ko sa pagproprotesta nang bigla na lang nagsitahimik yung mga kaklase ko ng biglang tumayo si Clyde.

"Tahimik."-walang emosyon na saad nito, pagkatapos niyang sabihin yun lumabas na siya ng room. For the first time namin siyang nakitang nagsaway.

..........................................

"Hoy! Kristel pinapatay mo na ng tingin sila Xam saka si Clyde!"-sigaw ko kay Kristel, kanina pa kasing masama yung tingin ni Kristel kila Clyde kasama si Xam magkasama sila ngayong kumakain, kaya laking gulat na lang naming mga estudyante dito.

"Nakakainis naman kasi e! Si Maria yung gusto niya pero si Xam yung kasama niya!"-naiinis na saad ni Kristel.

"Huh?"-sabay na saad namin ni Maria, nakita ko namang, pasimpleng sinikuhan ni Arianne si Kristel pagkatapos gawin yun ni Arianne ay natauhan naman si Kristel sa nasabi niya.

"Sinong may gusto kay Maria?"-tanong ko kay Kristel.

"Si-sinong may gusto kay Maria, ahh..... By the way Maria... Hi-hindi ka ba nagseselos na magkasabay silang kumain dito sa canteen, samantalang kayo noong magkasabay kayo kumain sa opisina lang niya."-kinakabahang saad ni Kristel kay Maria.

"Anong ikakaselos ko dun?, Ah! lilinawin ko lang sa inyo ha! Hindi kami ni Clyde, hindi kami ni Kyle at wala akong nararamdaman sa kanilang dalawa at malabong magkaroon ako ng relasyon isa sa kanila."-mahabang saad ni Maria

"Pero, Maria paano kapag may uma---"-hindi na natapos ni Kristel ang kanyang sasabihin kay Maria, nang biglang tumayo si Maria at naglakad palabas ng Canteen.

"Sa susunod nga matuto kang itikom yang bibig mo."-saad ni Nicole habang may lamang kanin at ulam sa bibig ni Kristel, habang yung isa niyang kamay ay nakahawak sa panga ni Kristel.

My High School Life (Completed)Where stories live. Discover now