MHSL 48

77 38 7
                                    

"Bro!"

Napatingin naman ako kay Seaventh dahil tinawag niya ako, dahan-dahan namang gumilid si Seaventh, at nakita ko na lamang yung babaeng kakapasok lang, nagulat naman ako ng makita siya. 

(Anong ginagawa niya dito?)

"Kamusta ka na Clyde? Long time no see."-nakangiting bati nito sa akin

Hindi naman ako nakasagot agad, sa tagal niyang nawala, sa tagal na din akong naghintay sa kanya, ngayon babalik siya, hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko ngayon, nakakaramdam ako na pagka miss ko sa kanya meron din namang galit dahil sa kanyang pag-iiwan na ginawa niya sa akin. 

"Okay lang naman ako, by the way anong ginagawa mo dito?"-sa wakas nasagot ko na din siya ng diretso.

"Clyde...."-sambit nito sa akin, hindi niya sinagot yung tanong ko.

Nagulat na lamang ako ng bigla itong lumapit sa akin saka ako niyakap.

"Clyde, nandito na ako. I-I miss you Clyde I miss you so much."-saad nito habang umiiyak.

Napapikit naman ako dahil sa kanyang sinabi, kasinungaling na naman ba to?! saka ko siya tinulak palayo sa akin. 

"After you did it to me . May gana ka pang sabihin yan sa akin?!"

"Pero Clyde, ginawa ko lang naman yun para sundin yung mga magulang ko, kagustuhan yun ng mga magulang ko."-sagot nito sa akin.

"I understand that, pero hindi ba uso sayo yung social media? I can tolerate it kay.(short name of Mikay)"

Hindi naman nakasagot si Mikay.

Kristel Pov

"Uy sis alam mo na ba balita, bumalik na daw si Mikay?"

"Mikay?! Sino yun?"

"Tanga mo naman sis, Ex Girlfriend yun ni Clyde."

"Oh, so means maghihiwalay na sila Maria saka si Clyde? Kasi bumalik na yung pinakakamahal ni Clyde."

"Hindi ko alam sis."

Yan lamang yung naman yung naririnig ko dito sa cafeteria, enrollment kasi namin ngayon dito sa AGC, buti na lang wala dito si Maria dahil narinig ko yung pinag-uusapan nila, hindi ko mga kaklase yun, sabihin nating schoolmates lang namin. Tumingin naman ako kay Nicole na busy lang sa pagkain habang nakasalampak sa kanyang tenga ang earphones kaya iyon, hindi niya narinig yung mga pinag-usapan ng mga chismosa. 

Pero nabanggit nila si Mikay ex-girlfriend daw ni Clyde, totoo kayang bumalik na siya?! Kailangan ko bang sabihin yun kay Maria? 

Pagkapasok ko sa bahay ni Maria ay kaagad ko siyang hinanap, nakita ko naman siya na abalang nagsasalin ng ulam sa baonan.

My High School Life (Completed)Where stories live. Discover now