MHSL 4

181 110 30
                                    

Napamulat ako ng mata ng biglang may humihila sa paa ko at ihuhulog ako sa kama taena talaga to walang magawa si kuya Vincent kasi yung humihila sa paa ko.

Ganyan yan pag weekends eh tama kayo, walang pasok sabado kaya ngayon so ayun na nga kakain na daw kaya gumising na daw ako at bumababa na sa kusina at ito na nga habang kumakain kami nagsalita si mama.

"Blake, Ria kayo lang naman maiiwan sa bahay na to pwes maglinis na din kayo dito at may aasikasuhin ako." What! Dapat nga pahinga namin ngayon hindi yung maglilinis kami dito malinis naman to ha.

"Pero ma, may school projects kami gagawin sa bahay ng kaklase ko."

"Tigilan, mo nga kami dyan blake kung may school projects kayo dapat sa paaralan pa lang ginagawa niyo na yan." -sabat naman ni papa

"Ang kj naman nito."-mahinang sabi ni kuya.

"Basta walang aalis ng bahay tapos?."-sabi ni mama saka tumayo umalis naman sila papa saka si kuya Vincent so kami nalang ni kuya blake naiwan dito sa kusina ng makaalis na sila galit na tumayo si kuya saka niligpit yung mga pinagkainan namin saka naghugas ng plato ako naman ay nag punas na din ng bintana, patingin-tingin ako kay kuya na ngayon ay nililinisan niya ang electric fan ako naman ay pinapalitan na yung kurtina kawawang kuya blake hindi nakagawa ng project niya, hmm aha!

May naisip ako tutal boring naman dito sa bahay kaya may naisip ako agad ko siyang nilapitan saka kinausap.

"Kuya! Ano bang oras kayo gagawa ng project niyo?"tanong ko sa kanya

"10, bakit?"-sabi niya ng hindi lumilingon sakin snobber kung hindi lang talaga ako naawa sayo kasi nararanasan ko yung nararanasan mo, tumingin ako sa wall clock namin at 9:20 palang naman kaya makakapunta pa siya.

"Magbihis ka na pwede ka pang makapunta."ngiti kong sabi sa kanya lumingon naman siya sa sinabi ko saka kumunot ang noo.

"Wala ngang aalis sa bahay diba" sabi niya sabay tuon sa ginagawa niya hays masyadong masunurin.

"Hindi naman kita isusumbong eh,"sabay tingin niya saakin saka ulit ako nagsalita"pero sa isang kundisyon isasama moko ayako namang ma boring ako dito no?" Nakita ko naman siyang parang aayawan sa gusto ko aba't ang arte pa."ayaw mo sige! Ipagpatuloy mo yang ginagawa mo."saka ko siya iniwan nakita ko naman bumuntong hininga sya saka nagsalita

"Oo na."-sabi niya saka umakyat sa taas siguro para magbihis, hinintay ko na lamang siya dito sa baba ng nasa hagdan na siya tumingin ako sa kanya aba't todo porma eh project lang naman gagawin nila,kung makapagbihis eh parang pupuntang mall. Nilapitan ko siya.

"Hoy! Group project lang gagawin niyo pero todo ka pumorma!" Hindi niya ako pinansin at nag wax lang saka ako tinignan saka nagsalita

"Yan na yung suot mo?"tanong nya sakin, tinignan ko yung suot ko bakit? Ano bang problema sa suot ko? Tumango nalang ako kay kuya bilang oo.

"Ang panget ng suot mo magbihis ka dun!"sabi niya sabay tinulak papuntang hagdan aray ko putangina! Ang arte naman nun pinakialaman pa talaga yung suot ko, kaya wala na akong nagawa kundi magbihis,ng jeans at blouse ok naman na siguro to no!

Pagkababa ko nandun na si kuya sa labas kaya lumabas na din ako at sumakay kami ng tricycle papunta sa bahay ng kaklase niya, at talaga naman ang yaman ng kaklase nito at napunta kami sa subdivision at ibinababa kami ni manong driver sa malaking bahay.

Ito siguro yung pinakamalaking bahay saka pinakamaganda sa lahat ng bahay na nakita ko dito sa subdivision napa wow na lamang ako saka nag doorbell si kuya may nagbukas naman nun na isang napakagandang dalaga.

My High School Life (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon