MHSL 53

73 34 5
                                    


Maria Pov

"Aray ko."-daing ko saka habang hawak-hawak ko ang aking sumasakit na ulo.  nahihirapan akong bumangon. Hindi na talaga ako iinom, ganito pala pakiramdam kapag may hang over .

"Ang bagal mo talaga kumilos"-masungit na saad ni Kuya Vincent. Enrollment kasi ngayon sa AGC napagpasyahan ko nalang dun mag-aral atleast doon makakasama ko yung mga kaibigan ko, at doon din nag-aaral si kuya Blake, ayoko naman mamulubi yung parents ko pang tuition doon sa pinag-aaralan ni Clyde, okay na din buo yun na ang pasya ko, kahit na sinabi sa akin ni Mama na hinatid ako kagabi sa bahay, kaso lang hindi ko talaga matandaan na siya yung naghatid sa akin. 

Umangkas na ako sa motor ni kuya saka ako hinatid sa AGC.

"May mga gwapo naman dito, kaso Bakla naman, sayang naman."-naghihinayang saad ni Kristel

Nandito kami sa isang bench tamang tambay lang mga pre, isipin mo 8:00 kami nandito ng mga kaibigan ko, 2:00 kami naka enroll, hindi naman kasi maikakaila, maganda din naman dito mag-aral dahil, nandito lahat ng gusto mong kunin na track, except lang sa kurso kulang-kulang.  At pangalawa libreng paaral lang. 

Nagising ako nang may kumakatok sa pinto ng aking kwarto, pagkatapos lang kasi naman magpahinga dun sa school umuwi na kaagad kami di na namin naisip na gumala pa, nakakatamad. Kaya ito pagkauwi ko natulog ako kaagad. 

Tumayo naman ako saka ko binuksan yung pinto, bumungad sakin si Clyde na nakapormal na suot at syempre napaka gwapong mukha, parang walang problema ha? o sadyang ako lang itong namomoproblema sa relasyon namin.

"Anong ginagawa mo dito?"-tanong ko sa kanya.

"I thought you're dressed up"-nagtatakang tanong nito. Nagtataka naman ako tinignan siya.

(Pinagsasabi nito?)

"What do you mean?"-sagot ko sa kanya, o diba umeenglish, akala niya siya lang marunong.

"I texted you"-saad niya, iniisip ko pa yung sinabi niya parang hindi ko kasi lubos na maisip, yung huli niyang sinabi. "Check your phone."-dagdag pa nito napansin niya siguro na hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, hindi ko man lang magawang tignan yung cellphone ko.  Kaya pagkasabi niya ng 'check your phone' kuno, bumalik ako sa kinahihigaan ko kanina saka ko kinuha yung cellphone sa ilalim ng unan ko, binuksan ko ito at may 1 message nga dun sa message na apps kaya binuksan ko ito. 

+6391602****

See you~at 6:00 Pm.

Napanguso naman ako sa text niya, wala man lang ka details-details, tipid na nga magsalita tipid pang mag message.  Pero sige okay na yun atleast nag effort siyang nag text sa akin, hindi ko alam kung paano at saan niya nakuha yung number ko dahil hindi ko naman sa kanya binibigay. Pero see you at 6:00?! Tumingin ako sa time ng cellphone ko 6:10 na. Tumingin ako kay Clyde.

"Hindi ko nabasa, e naka silent."-saad ko sa kanya. Totoo naman e.

Hindi niya ako sinagot, sa halip ay tumingin lang ito sa kanyang relo saka nagsalita "I give you 10 minutes para ayusin yung sarili mo." napapanga naman ako sa sinabi nito.

"Ano?! Hindi ko yun kaya---"

"9:59"-pagsisimula niya ng pagbibilang.

My High School Life (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon