MHSL 29

100 70 3
                                    

Maria Pov

"Basta sasali ako! Makikipag debate ako!"-sigaw ni Kristel nandito kami ngayon sa room nag-uusap-usap at ito nga si Kristel sasalita sa debate sa darating na biyernes.

"Edi sumali ka! Pinipigilan ka ba namin?"-bara sa kanya ni Eduardo

"E, ayun na nga e, ayaw nila akong isali dahil low class daw ako hindi daw ako pwede sumali sa mga ganyan."-malungkot na saad ni Kristel, tumingin naman ako kay Grace na siya ang tagapaglista ng pangalan ng sasali sa debate isa na lang kasi yung kailangan at hindi pa sila nakakahanap at gusto ni Ma'am na isali ako pero tinanggihan ko iyon hindi ako marunong makipag debate.

"Grace!"-tawag ko dito tumingin naman ito sa akin. "Sali mo to!"-nguso ko kay Kristel.

"Pero hindi pwede!----"-sabi ni Grace may sasabihin pa sana siya pero hindi ko na siya pinatapos pa.

"Anong hindi pwede?! Masyado kayong mapili! Hindi kayo makakalaban sa iba! Kung kulang kayo!"-sagot ko kay Grace, tumingin naman si Grace kay Xam na ang ibig sabihin kung pwede ba si Kristel, tumango naman si Xam kaya pinapunta ko na si Kristel sa pwesto nila Xam,at mga kasama pa nito na sila Daisy, Kyle, at Yohan.

"Bakit hindi na lang ikaw Maria? Sumali sa amin?"-tanong ni Kyle sa akin, napatingin naman ako kay Kyle

"Ah.. Hindi na, di ako marunong diyan! Saka may pupuntahan di ako makakapunta sa araw ng debate ninyo."-sagot ko sa kanila

"Huh?! Akala ko ba, susuportahan mo ako dito?"-tanong sakin ni Kristel.

"Ano? San ka pupunta?!"-tanong din sakin ni Eduardo, sa katunayan wala naman akong pupuntahan e, matutulog lang ako sa araw na iyon. Hindi ko naman sinagot yung mga tanong nila, sa halip ay tumayo lang ako sa aking upuan at pinatayo ko na din sila Arianne.

"Ta-tara na? Kain na tayo."-aya ko kila Arianne, bago kami naglakad ay lumingon muna ako kay Kristel. "Kristel kakain lang kami."-pagpapaalam ko kay Kristel, tinanguan lang naman ako ni Kristel kaya kaming apat ay lumabas na sa room at pumunta sa canteen.

Fast Forward...... Biyernes( Ang araw kung saan magdedebate yung dalawang section, yung section namin at section ng kabila naming room.)

"Bheee!!! Sabi ko na nga ba!! Di mo ako matitiis e! Pupunta ka pa din talaga dito e."-masayang sabi ni Kristel saka niyakap ako.

"Paanong hindi pupunta e, tinakot mo ako."-sagot ko sa kanya, tumawa lang naman siya sa sinagot ko.

Pagkapasok namin sa auditorium nakita kaagad namin yung mga kasama ni Kristel sa pakikidebate dito gaganapin yung pagkikidebate nila, nakita ko naman si Kyle saka nginitian. gumanti din naman siya ng ngiti at napatingin na lang ako bigla kay Yohan ngingitian ko na din sana ito nang umalis ito sa kanyang pwesto at iniwasan din ang kanyang tingin sa akin.

(Anong nangyari dun?)

Ilang oras din na nagsimula na ang debate at hanga ako sa mga sagutan nila sa pagitan ng ibang section at ang section namin pero mas magaling pa din yung section namin, ang galing din makipag sagutan ni Kristel di ko aakalaing may tinatago pala siyang ganyang talento. Dibale kung kami namang magkakaibagan yung nagkakasagutan lagi siyang may sagot lagi kaming talo sa kanya.

My High School Life (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon