Chapter 40

74.6K 2.1K 599
                                    

Chapter 40

Royal

I crossed my arms on my chest and tilted my head as I watched him glaring at the guy nurse who helped me para maisakay ko siya sa sasakyan. He didn't ask for a help, pero nag-volunteer pa rin akong akayin siya at nang makita ako ng mga taga-ospital ay may nagpresinta.

But then, a jealous man like him didn't like it. Hindi ko naman masisi dahil aaminin ko, magandang lalaki iyong nurse kaya siguro na-intimidate itong asawa ko. Napayuko ako at tumawa mag-isa. He used to intimidate me, iyon pala ay isang equally georgous man lang ang magpapataob dito. Loko talaga.

Noong lingunin ako ng nurse, tinanong pa ako kung may naiwan pa, just asking if I needed something—he shouted his endearment like a mad lion. "Babe!" like he's confirming that.. me..is his wife. His only. Like that! Damn!

Inabot niya ang kamay ko at pinapasakay na ako sa loob. Nakakatuwa siyang tingnan. I kinda like it—no, love it.

Sa dalang sasakyan ko na siya pinasakay at nagpahatid sa hasyenda Rosemarie. Kailangan niyang magpahinga muna bago kami siguro makabalik ng manila. Finnix has been texting me since this morning at pinapapasok ako. Nang malaman ni Quinn ay kamuntik pang tawagan ang pinsan ko para singhalan ito. He says, he needs me more than anything and we still have issues that we need to resolve. Maybe the work can wait for us. Itatalaga ko muna si Finnix bilang representative in case magkaroon ng meeting. He's the President anyway.

Mga katulong ang sumalubong sa amin sa hasyenda Rosemarie at kasalukuyang nagpapahinga sina Daddy Carlos. Hindi na ako nagpaabala at hinatid ko na lamang sa kwarto si Quinn.

Pagpasok ay pinaupo ko siya sa gilid ng kama, "Nagugutom ka ba? Baka gusto mong kumain, ipaghahanda kita. Dadalhan kita rito.." tanong ko sa kanya.

Dinama niya ang dibdib. Sumandal sa headboard at tumingala sa akin. He shook his head.

Lumapit ako at hinaplos ang kanyang pisngi. I can't say na okay na siya totally dahil nag-aalala pa rin ako. Learning na maaaring sinadya ang pagkasira ng preno ng sasakyan niya ay binubulabog na no'n ang dibdib ko.

I sighed, "Sabihin mo agad sa aking 'pag may masakit sa 'yo ah, mmm? Kahit kaunting sakit lang, ibabalik kita sa doktor mo." malambing kong bilin sa kanya. Ayoko na siyang masaktan ulit.

Ngumiti siya at inabot ang kamay ko. Marahan akong hinila para mapaupo rin sa kama. His loving gaze crept swinging in my veins na tila dinuduyan ito sa paroroonan.

He pouted a little, namungay pa ang mga mata. "Dito ka lang.." hiling niya sa akin sa boses na nagmamakaawa pa.

Pinanliitan ko siya ng mga mata at pinindot ang kanyang matulis na tungki ng ilong. "Ang gwapo mo!" naiinis kong sambit.

"Dito ka lang.. samahan mo ko.." hiling niya ulit. Hindi pinansin ang pagpuri ko sa kanya.

I smiled at him. I felt the warmth through his loving eyes. "I can't stay longer, kailangan kong balikan ang anak natin sa kabilang hasyenda. Baka mamaya niyan ay umiiyak na naman 'yun.." though hindi pa naman ako nakakatanggap ng tawag mula kina Nanay ay ramdam kong kailangan din ako ng anak ko. "At saka hindi naman ako magtatagal. Ako ang mag-aalaga sa 'yo." Sabi ko pa.

"Sasama ako," umalis siya sa pagkakasandal at tangkang tatayo ulit—na agad kong pinigilan.

"'Wag na. Dito ka na lang at baka mapano ka pa.. at saka.. masyado pang mainit ang sitwasyon. Kay Tatay. Ayokong may masabi siyang hindi maganda sa 'yo. Hayaan na muna nating pahupain ang lahat,"

Nag-iba ang kanyang mga mata. Ang titig ay nahaluan ng pagkabigo at hinagpis na tinatago sa pamamagitan ng pag-igting ng kanyang panga.

Pagkatapos akong titigan ay binagsak ang likod sa headboard. Tila may pagdaramdam.

Real (Boy Next Door #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon