Chapter 25

49.1K 1.7K 470
                                    

Chapter 25

Royal

Lumipas ang mga araw ko sa Esperanza ay mas lalong naging malapit si Niccola sa mga magulang ko. It's been one week mula nang makauwi kami. At wala na akong pagsidlan ng saya sa tuwing nakikita kong napapamahal na sina tatay sa aking anak.

Gusto nilang ilibot ang apo sa buong lupain ng Altamirano pero..hindi pa ako kumportableng makita ng ibang tauhan ang anak ko. Ilan na sa kanila ang nakakita kay Niccola. Though, no one dared to ask about her, still, malaking usapin iyon sa buong hasyenda.

At kung kakalat na may anak na ako, makakarating iyon sa ibang kamag-anak na may kuneksyon sa ibang tauhan. Lalo na kay Tito Carlos.

I am discreet to talk about Niccola's real father. Kahit sa pamilya ko. Hindi man nila ako tinanong ni minsan, ay alam kong gusto rin nilang malaman. At ang katotohanan ang ayokong malaman nila. It could break their hearts.

Alam ko ring hindi ko ito habangbuhay na maitatago. Hindi ko maitatago habangbuhay si Niccola kay Quinn..pero huwag muna ngayon. Huwag muna.

It's a gloomy Sunday morning. Nasa kusina kami ni Niccola at dinudurog ko ang kalabasa sa kanyang kanin para sa kanyang agahan. It's our routine every morning now. Mas sinasanay ko siya sa pagkain ng maraming gulay gaya na rin ng payo nina Lola at Nanay. Natutuwa naman ako at hindi umiiling ang anak ko sa kainan. She's so active and energetic. Which reminds me of..her father.

Napapabuntong hininga na lang ako kung minsan. His shadow is here.

Nilapag ko ang kutsara sa kanyang plato. "Walang tira ulit, okay Niccola?" bilin ko sa kanya.

Ngumiti siya at tumango sa akin. "Yes, Mama!" sabay kuha ng kutsara niya at sinimulan nang sumubo.

Napalingon naman ako sa cellphone nang makita ang pag-ilaw ng screen.

May text si Tito Carlos. Kumunot ang noo ko at binuksan ang mensahe niya sa akin.

Tito Carlos: Good morning, hija. How are you? Your Tita Andrea is asking me about you. Maybe she wants to see you kaya nagpaplano kaming umuwi ngayong araw dyan sa hasyenda. At para na rin ma-discuss sa iyo ni Quinn ang trabaho mo sa AC. We're just waiting for my son then aalis na kami.

Nakaramdam ako ng panlalaki ng ulo nang matapos mabasa ang text na iyon ni Tito Carlos. Nanlamig ako at nanginig ang mga kamay.

Sinulyapan ko si Niccola. Pupunta si Quinn dito!!

Kaya agad akong nagtipa ng sagot kay Tito Carlos kahit pa sumasabog na sa kaba ang dibdib ko.

Ako: Ako na lang po ang dadalaw sa inyo bukas, Tito. Babalik na rin po ako ng Manila mamaya.

Then I pressed 'send' immediately. Napapaso kong binaba ang cellphone sa lamesa at halos hingal na sinandal ang likod sa upuan.

Anong gagawin ko? Tila lumiit bigla ang lugar kung saan naroon kami. Ilang araw kaming maligaya tapos ngayon, isang simpleng text lang ay gumuho na ang lahat.

Hindi rin nagtagal ay agad akong kumilos pagkatapos kumain ni Niccola. Agad akong nagpunta sa kwarto at nag-impake na. I even texted Lelet. Nagbaon lang ako ng ilang damit. At kahit nagmamadali ay parang tinutusok ang puso ko dahil kailangan ko nang iwan dito ang anak ko. Pinapanood niya ako habang naglalagak ng damit sa bag.

Huminto ako at umupo sa gilid ng kama. Hinatak ko siya at hinawakan sa kanyang mga kamay.

She looks sad--yes. But there's strong aura in her eyes.

"Uuwi ka rin mamaya po, Mama?" she curiously asked me.

Napalunok ako. This is a torture. Kung pwede ko lang sana siyang isama pero hindi pwede. Walang magbabantay sa kanya kapag nasa trabaho na ako at mas mapapanatag ako kung sina Nanay ang makakasama niya. But this..is killing me.

Real (Boy Next Door #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon