Chapter 10

49.3K 1.5K 166
                                    

Chapter 10

Royal 

Hindi ako mapakali. Kahit sobrang late na akong nakatulog kagabi, maaga pa rin akong nagising. Kakaisip sa huling sinabi at pinangako ni Quinn noong kausap ko siya sa video call.

Quinn:

I'm coming to see you.

Bukang-liwayway pa lang ay nag-text na siya ng ganyan. Hindi ako nag-reply sa sobrang tension agad na tumubo sa akin. Ano ba iyan! Napakaikling linya pero katakot-takot na kilabot ang inabot ko! Hindi ko siya pwedeng papasukin dito sa bahay syempre, malalagot ako sa Tatay ko at ayokong matulala na naman ang Lola Mila kapag bumalik siya rito. Pero..paano ko siya pakikiharapin? Sa labas ng bahay? Hindi rin pwede iyon. Makikita siya ng mga kapitbahay namin, tapos baka makarating sa mga Santiaguel. Mapalayas pa kami.

Napahinto ako sa pagkain at may kalakasan kong naibaba ang kubyertos sa pinggan. "Hayst!" himutok ko. Pakiramdam ko ay may sariling mundo na ako. Kaya naman nang tumahimik sa hapag ay saka ko lang napansin na nasa akin na pala ang mga mata ng mga magulang ko at ni Lola Mila. Bigla akong natauhan sa ugaling nagawa.

"May problema ka ba, Royal?" unang tanong sa akin ni Nanay. Mataman niya akong tinitigan na para bang may mali sa akin. Si Tatay naman ay nagtataka akong pinagmasdan. Habang si Lola ay nakatunghay lang sa akin.

Hilaw akong ngumiti. Sa sobrang hilaw feeling ko, naaagnas na ngiti ang lumabas sa mukha ko. "Hindi po, wala po, 'Nay. May naalala lang po ako." Nahihiya kong sagot.

Nag-resume agad sa pagkain si Tatay. May tinanong siya kay Nanay kaya naman nalipat sa kanya ang atensyon niya. Humataw sa sipa ang puso ko. Akala ko, akala ko talaga ay mahuhuli na ako.

Nag-volunteer na akong magligpit at maghugas ng pinagkainan namin pero nag-abiso na si Nanay na maglilinis. Puwesto na rin si Lola sa labas ng bahay, umupo sa bangko at nagpaypay. Si Tatay naman ay naggagayak na papunta sa tubuhan. Kaya naman bumalik na lang muna ako sa kwarto at hinugot ang cellphone ni Quinn sa ilalim ng unan ko. Nilagay ko na iyon sa silent mode para hindi marinig nina Nanay kung sakaling tumawag na naman siya.

Nagtype ako ng text sa kanya.

Me:

Wag ka na lang pumunta.

Binaba ko ang cellphone at napasuklay ng buhok gamit ang mga daliri. Kinakabahan talaga ako. Baka..baka kasi may mangyaring hindi maganda.

Hindi rin nagtagal ay nakatanggap ako ng reply sa kanya.

Quinn:

I'm on my way.

Napatayo ako. "Pambihirang lalaki 'to oh." Napatingin ako sa bintana. Pakiramdam ko tuloy anumang oras ay bigla na lang siyang susulpot dito. Sa ganitong dilat na dilat ang araw. May mangilan-ngilan pang dumaraan sa labas.

Me:

Wag na nga sabi.

__

Quinn:

Why? Miss na miss na po kita.

__

Natigilan ako. Para bang bala niya iyon para hindi ako makasagot sa kanya.

Bakit ganito, feeling ko naririnig ko ang boses niya habang binabasa ang maikling salitang iyon.

Me:

Baka may makakita sayo dito. Makakarating iyon sa mga Santiaguel at mapapalayas kami. Utang na loob Quinn. Wag mo naman kaming ipahamak.

Kalahati ng sinabi ko ay galing sa akin. Ewan ko. Totoong nag-aalala ako sa pamilya ko pero kapag naiisip kong makikita ko na siya ulit, may iba sa akin. Hindi ko mapangalanan.

Real (Boy Next Door #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon