Chapter 1

89.1K 2.1K 486
                                    


Chapter 1

Royal

Napalingon ako sa likuran nang marinig ang pagtawag sa akin ng kaibigan kong si Lelet. Natawa agad ako dahil sa hindi mapintang mukha niya pagkatapos lapitan kanina ang sinasabi niyang matagal na niyang crush na si Herbert Villanueva. Ang sabi ko kasi ay lapitan na niya iyong lalaki habang ang lahat ng tao ay busy sa panonood ng dance contest, dito sa bayan. Dahil kung isasangtabi pa ay mauungusan niya ni Bea, iyong kapitbahay naming alam ng lahat ay may gusto rin kay Herbert. Aba, kung papatay-patay ang kaibigan ko ay baka mawalan na siya ng tsansa! Iilan lang kaya ang nakakalapit sa lalaking iyon dahil napakailap sa tao. Palaging nakakulong sa bahay at kung hindi naman ay sa paaralan. Nagtuturo ito ng English subject sa Elementarya. At ang matalik kong kaibigan na si Lelet ay pinagtulakan ko na! Kaya lang nang makita ko ang nakasimangot niyang mukha ay parang..ligwak-ganern ang natanggap nitong sagot. Patay tayo diyan. Lihim akong napailing. 

Sinulyapan ko saglit ang mga nagsasayaw na mga kabataan sa kalsada dahil sa biglang pagsigaw ng mga nanonood. Pagkatapos ay sinalubong ko si Lelet. "Ano nangyari sa'yo? Bakit nakasimangot ka?" sinamahan ko na ng kaunting sigla ang boses para naman kahit papano ay hindi siya malugmok sa kalungkutan. Ang sabi nga ng Lola ko ay, huwag alagan ang lungkot kung ayaw mong mapanot. 

Humalukipkip siya at pinahaba ang nguso niyang medyo makapal. Kung tutuusin ay may itsura naman si Lelet. Kayumanggi ang kutis, katamtaman ang lapad ng katawan. Hindi siya sobrang payat na nahahawakan na ang buto, payat pero kaayusan lang. May iilan rin namang nakakapansin ng ka-sexy-han niya sa amin sa tuwing magsusuot ito ng pantalong maong at simpleng t-shirt kapag nasa simbahan kami. Aba, labas na labas kaya ang hugis ng katawan niya kapag ganoon ang suot. Kaya lang, may oras din na biglang eentra si Bea at sasapawan ang mga pumupuri kay Lelet. Magsusuot ito ng mas maiksing shorts at damit na nakalabas ng pusod. Mahilig mang-agaw ng eksena gayong hindi naman namin alam kung bakit kailangang may ganoon ugali. Hindi namin siya inaano. 

"Hindi niya ako pinansin." Bulong niya. Hindi himutok iyon pero halatang malungkot pa rin. 

Kaya lumapit ako sa tabi niya at inakbayan ang kaibigan. Bumuntong hininga ako nang hindi niya ako tiningnan pabalik. "Wag kang malungkot dyan! Buti nga at hindi ka binasted nu'n. May pag-asa pa! Kaya laban!" tinaas ko ang isang kamao at ginawang simbolo ng 'laban' ko. 

Nilingon niya ako. Mas lalo akong napangiti dahil nakuha ko ang maliit na usling ngisi sa gilid ng labi niya. Hindi man ako masyadong makasabay sa kabiguan niya sa puso, sasabayan ko siya sa masayang bagay at puro positive na vibes. Kaya pagkatapos ng ilang sandaling muni-muni sa kabiguan niya, hinintay naming matapos ang dance contest. Sinunod naming ikutin ay ang mga iba't-ibang lamesa ng pagkain. Ito ang gustong-gusto ko kapag sumasapit ang Malatarlak Festival. Ang ganda ng kalsada dahil sa makukulay na banderitas. May mga palaro at maingay sa kalsada. Nailalabas ang mga natatagong talento ng mga kabataan, lalo na ang pagsayaw sa kultura ng mga Aeta. Napapabilib pa rin ako dahil kanilang naiibang uri ng sayaw at damit dala ng kanilang kultura. Tumikim din kami ng mga tinitindang pagkain at kung kaya pa ng bulsa ko ay bibili ako at iuuwi sa bahay. Lalong-lalo na kay Lola Mila ko. Palagi niyang naikukwento sa akin ang mga paborito niyang pagkain noong araw na bihira na niyang matikman ngayon. Mahina na ang mga tuhod niya kaya naman hindi ko maisama rito sa pyesta. Hindi tulad dati siya ang nagdadala sa akin dito para manood ng contest. Nakaka-miss iyong mga ganoong panahon, iyong kami lang ni Lola ang magkasama para makipyesta. Pinapabauan kami ng Lolo Pepe ng kaunting pera at pilit pinagkakasya iyon ni Lola para sa pag-uwi namin ay mayroon ding pagkain na pagsasaluhan. 

Kaya nag-ipon din ako para may mauwi sa Lola kong maganda. 

Inaya ko si Lelet na umupo sandali sa nabakanteng bangkito. Tumingala ako sa langit. 

Real (Boy Next Door #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon