Chapter 38

57.8K 1.8K 289
                                    

Chapter 38

Royal

Pagbalik ko sa aking opisina ay dumeretso na ako agad sa banyo at tinapat sa running water ang mahabang galos na natamo ko dahil sa pagbagsak sa sementong sahig. It didn't bother me kahit na mahaba ang galos. Lubos ko pa ring inaalala ang gulong mayroon sa labas ng building. At natatakot akong may kasunod pa ang ganitong pangyayari.

Nahirapan akong hugasan ang nasa tuhod sa gripo kaya't lumabas na lamang ako para kumuha ng wet wipes sa aking bag.

Pinatuyo ko muna ang basang braso at siko gamit ang tissue. Ilang sandali lamang ay sunod-sunod na katok ang narinig sa labas ng pinto. "Pasok," sagot ko.

Bumukas ang pinto at pumasok si Finnix. He got a very firmed and disturbed face. Umiling siya at kinuha ang remote control ng TV. He turned it on and it flashed the afternoon breaknews on the screen—featuring our company!

"May media na sa baba." He said.

Natigilan ako sa ginagawa at tinuon ang mga mata sa TV. Ang field reporter ay nakapwesto sa likuran ng mga taong pilit lumalagpas sa mga guard ng AC.

"Ang kwento ng mga nakausap nating tao ay, naengganyo silang bumili ng bottled juice na gawa ng Altamirano foods and beverages, dahil sa papremyong isang milyon. Ang naturang inumin ay may naka-imprint na 'You won' sa takip na siyang nagsasabi na ang bumili nga ng produkto ay nanalo. Ngunit sa naturang papremyo ay maraming nakakuha ng takip na nagsasabing sila nga ay nanalo.. Hindi pa naglalabas ng official statement ang Altamirano Corporation patungkol sa nasabing papremyo sa kanilang produkto. Maraming nagsasabi na isa lamang itong strategy upang makagawa ng ingay dahil kalalabas lamang sa market ng kanilang new brand. Sa kasalukuyan ay nagtitipon-tipon ang mga taong nakabili ng bottled juice at gustong i-claim ang pinamimigay na isang milyon. Ang malaking katanungan ng sambayanan.. isa lamang ba itong pagkakamali o istratehiya para makabenta." ulat ng babaeng reporter.

Hindi ko naalis ang panonood sa naturang balita kahit pa nilipat ni Finnix sa ibang news channel—at ang kaparehong balita pa rin ang tinatalakay.

But this time, the male reporter was at the grocery. Sumusunod sa kanya ang camera. Kumuha siya ng bottled juice namin sa fridge at dinala sa cashier. Pagkabayad ay agad niyang binuksan ang plastic bottle at pinakita sa camera ang likod ng takip.. and it says, 'You won'. Pero imbes na matuwa ay napailing ito at tila nadismaya. He did bought again and the same 'You won' imprint was there. In-interview pa niya ang cashier at sinabing naging mabili nga ang produkto namin dahil sa isang milyon.

Napasinghap ako at nanghina. Agad na pinatay ni Finnix ang TV at binaba ang remote control.

Nilingon ako, "Nag-utos na ako ng investigation para rito. I will talk to the people personally para mapauwi sila."

Kumuyom ang aking mga kamao. I felt the responsibility on my shoulder. That strategy was my idea. I proposed to the board. And it didn't out good but the opposite.

I sighed so heavily. Gusto ko itong maresolba ng mabilisan pero alam kong malabo iyon. Gustong ipatigil ang delivery at magpa-recall pero malabo iyon. Maraming tao na ang nakabili at umaasang sila nga ay nanalo. But I only expected one lucky winner.

We produced hundred thousands of bottles. What if.. what if.. oh damn!

Napapikit ako at nanghina. "Magpatawad ka ng meeting." Sagot ko sa kanya. I turned around and opened my laptop. Hindi ko na pinansin ang pagpupunas sa aking tuhod.

"Mas mabuti pa yatang umuwi ka muna at gamutin 'yang sugat mo. Baka nagkapilay ka pa," nag-aalalang sabi ng pinsan ko.

Umiling ako, "Hindi ko ito pwedeng iwan."

Real (Boy Next Door #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon