Chapter 29

52.7K 2K 393
                                    

Chapter 29

Royal

Nahihirapan na akong huminga habang nakikita si Quinn na nakatitig kay Niccola. Finnix also admiring her demo with a smile from his face. Humakbang ako palapit at tumikhim, "H-hindi kasama 'yang video na 'yan sa auditon. That was only an experimental by Heaven.." salita ko sa gitna ng panonood ng dalawa.

Si Finnix ay nilingon ako, samantalang si Quinn ay nanatiling nakatali ang mga mata sa pinanonood. Nanlalamig na kamay kong sinikop ang takas na buhok sa likod ng aking tainga. Ang tibok ng puso ay kumakalampag sa aking dibdib.

Tinaasan ako ng kilay ni Finnix. "Really? I liked it!" tugon niya sa akin.

Hilaw ko siyang nginitian. Mabuti na lamang at patay ang ilaw dahil tila magkakalat lamang ako rito kung hindi.

Sa loob ng ilang minuto ay tila ako namatay sa kalabog ng dibdib ko. Nang matapos ay saka lamang ako nakagalaw ng kaunti. Hindi nagsalita si Quinn at pinanood lamang ang mga sumunod na demo.

Tinapos nila lahat. Binuksan ko ang ilaw at halos hindi ako makatingin sa dalawa pagkatapos.

"What do you think, Quinn? I actually like the idea. And the kids—woah! Ang ku-cute! I literally imagined them in our billboards. This ads seems to be really different from our past marketing. I feel so good on this," nakangiting salita at sinulyapan din ako.

Muling sumandal sa kanyang upuan si Quinn. Kinuha ang isang papel at may sinulat. "Gusto ko 'yong naunang bata," he look up at me. "Offer her the project. Tell Ms Baltazar that I want that child to be in our advertisement." Malamig niyang utos at muling binalik ang atensyon sa papel na hawak.

Malaki akong napailing. Napalunok. "H-hindi nga siya pwede. A-ayaw ng mother niya na sumabak siya sa ganitong trabaho. She was just allowed—kasi wala kaming magawa no'n." Agad kong protesta. No. Not my daughter!

Kumunot ang noo niya. Nang ibalik sa akin ang tingin ay malamig pa sa yelo ang kanyang mga mata. "Did you just waste your time during that hours? Gumagastos din ang kumpanya sa mga audition na ginagawa ninyo and you were wasting our time."

Matagal niya akong tinitigan. Para akong tinutusok sa kanyang salita.

Nagtagal ang kanyang titig. Habang ako ay pinagpapawisan na.

"So-sorry.. Chairman." tanging nasambit ko.

Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig sa akin.

Tumikhim si Finnix. "My second option is the child number 3, Royal. Gusto ko rin sana 'yung naunang bata pero syempre hindi lahat ng magulang ay papayagan ang anak na ma-expose sa ganitong trabaho. For me, I fully understand. It's fine! So, I'd rather choose another option than nothing."

Mabigat na bumuntong hininga si Quinn at muling binalik ang atensyon sa papel na hawak. "You can go."

Lumapit ako sa kanyang mesa upang tanggalin na ang USB sa laptop. My hands were shaking—at nakita ko ang bahagyang paglingon niya sa aking kamay. Ngunit hindi naman siya nagsalita, inalis din ang tingin dito.

Nang matapos ay sabay na kaming lumabas ni Finnix sa kanyang opisina. May sinasabi sa akin ang Presidente at panay lang ang tango ko kahit na walang pumapasok sa isipan ko.

Natutulala ako. Quinn saw Niccola.. he saw her! I bit my lower lip. Napapikit ako at napahawak sa aking sentido. Tila umaalingawngaw ang sinabi sa akin ni Lelet.. Ang liit ng mundo, Royal. Hindi ito forever!

"Hey, okay ka lang? Baka nape-pressure ka na naman?" untag sa akin ni Finnix.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at tipid siyang nginitian. "Okay lang." sagot ko.

Real (Boy Next Door #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon