Chapter 14

51.7K 1.6K 432
                                    

Chapter 14

Royal

Tinabi ko ang tasang ginamit niya sa pagkain ng lugaw sa lalagyanan nito. Pero napapansin ko pa rin ang pagtitig sa akin ni Quinn mula sa aking gilid. Nakatunghay siya sa akin. Tinititigan ako habang nakangiti nang hindi nakalabas ang ngipin.

Inabot ko ang basahan at pinunasan ang lamesa. Ramdam ko ang pagsunod niya, tila bantay ko. Gwardya ko. Kaya bigla ko nang hininto ang ginagawa at nilingon siya. Kumunot naman ang noo niya at tuwang-tuwa pa nang tuluyan kong pansinin.

"Kanina ka pa naninitig.." tuya ko. Pinipigilan na mangiti sa kanya.

Tumawa siya at tumaas ang malapad na mga balikat. Doon ko lamang siya mas natitigan nang mainam.

Boyfriend ko na talaga ba siya? Ang tingin ko sa kabuuan niya ay masyadong perpekto. Siya iyong uri ng lalaki na ipagmamalaki mo. Uri ng lalaki na type na type ni Bea. Iyong lalaki na pinangangalandakan dahil sa tindig, kagwapuhan, ugali, pananalita, talino at lalo na ng estado sa buhay.

Napaawang ang labi ko. Nakaligtaan ko pala iyon. Quentin Nicco Valdez – Altamirano..ang tagapagmana ng hasyenda Esperanza. Sikat na mang-aawit sa Maynila. Pinangingilagan ng mga magsasaka lalo sa taga-Rosemarie at ngayon..boyfriend ko na. Nanlumo ako.

"I think I'm still in the cloud nine, you being in love with me." humakbang pa siya at huminto sa harapan ko. Nakahalukipkip. Bahagya akong niyuko dahil sa tangkad niya.

Malungkot ko siyang nginitian. "Tingin ko nga ay tama ka,"

Kumunot ang noo niya. Tumaas ang isang kamay at hinaplos ang aking pinsgi. "Saan?" ang mababa pero buo niyang boses ay nakakapanindig ng balahibo. Para ba akong pagagalitan.

Bumuntong hininga ako. Hinihimay ang isipan. "Na baka hindi ko minahal talaga si Garett. Hindi ko inaasahan na mabilis ko siyang malilimutan.."

Nagdilim ang mukha niya. "Kalimutan mo na 'yon at tanggalin mo na sa isip mo. Ako lang dapat ang laman ng isip mo magmula ngayon." Utos niya.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Ikaw lang ang iisipin ko?"

Tumango siya. "Syempre. Dapat pareho na tayo. Ikaw lang din naman ang iniisip ko palagi. That fucker—I mean that guy don't deserve you, babe. Speaking of, kailan ko naman maririnig na tawagin mo kong 'babe' mmm?" nilapit niya ang mukha sa akin.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Uminit kasi ang mukha ko. At saka, hindi naman ako sanay sa ganoong tawagan. Kahit naman si Garett ay hindi ako tinawag ng ganoon.

Nang hindi ako sumagot at kiniliti ako ni Quinn sa aking tagiliran kaya parang kidlat ko siyang tiningnan. "Quinn!" gulat kong tawag sa kanya.

Ngunit ang ngiti ay maloko. "Iyon na lang ang tawagan natin ah..babe? Ha babe?" pinagpatuloy niya ang pangingiliti kaya lumayo na ako sa kanya. Sinundan naman niya ako kahit na noong nasa sala na kami.

"Isa! Tumigil ka na!" banta ko sa kanya. Napapagitnaan namin ang maliit na lamesita.

"Tawagin mo muna akong 'babe'. Gusto kong marinig.." utos niya sa akin.

Natawa ako. "Ayoko ang pangit!"

Ngumisi siya. "Ah gano'n pangit pala..teka..humanda ka sa akin, babe."

Tinangka niya akong lapitan pero nakalayo ako. "Ayoko na!" suko ko. Hindi ko kaya iyong kiliti niya. Para akong uod na binudburan ng asin!

Malakas siyang tumawa. Dumagundong sa bahay o maging sa buong kakahuyan.

Nakaikot ako at tumakbo papasok sa loob ng kwarto. Para akong hinabol ng aso sa bilis ng tibok ng puso ko. Agad kong sinarado ang pinto pero sa lakas niya ay nabuksan niya iyon at nakapasok din. Umatras ako at nasukol sa bintana. Sa likuran ko ay ang nililipad na kurtina. "Tama na, Quinn." banta ko.

Real (Boy Next Door #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon