Chapter 9

50K 1.6K 382
                                    

Chapter 9

Royal

Wala sa sariling napalunok ako. Nang makita niya iyon ay bumaba ang tingin niya sa labi ko. Pinagpawisan ako ng malapot. Kakahalik pa lang niya sa akin pero para akong nanghihimok na halikan niya ulit! Ano ba, Royal! Utang na loob umayos ka oh.

Kaya nang makakuha ng tyempo ay agad ko siyang tinulak. Hindi niya iyon inasahan kaya nabitawan niya ako. Umiwas na ako ng tingin sa kanya nang hanapin niya ang mga mata ko.

"Babe.." nanghihinang tawag niya sa akin.

Isang beses ko siyang tiningnan. Sandali lang dahil hindi ko matagalan ang nakakakilabot niyang tingin sa akin. "U-umalis ka na, Quinn. Baka maabutan ka pa dito ng mga magulang ko. At nasa kabilang kwarto lang ang Lola ko." Pagtataboy ko sa kanya. Pero talaga yatang malakas ang loob niya. Dahil imbes na makinig sa akin ay inilang hakbang niya ako. Yumuko na lang ako para hindi mahatak at malula sa paningin niya.

"Ibigay mo muna ang chance ko."

Doon ako napaangat sa kanya ng tingin. "A-anong chance?" pagkakaila ko pa.

Sumimangot siya. Para bang batang hindi napagbigyan ang itsura.

"Na ligawan ka. Please, mmm?"

Napatda ako. "Quinn—"

"Payagan mo lang akong ligawan ka, patutunayan ko sa iyo na malinis ang intensyon ko, Royal. Kung hindi, nasa hasyenda pa lang kita.."

Hindi niya tinuloy ang sasabihin. Tiningnan ako ng makahulugan.

"Ano? Ano ang dapat na gagawin mo sa akin?" pagtatanong ko pa.

Ngumisi siya. Yumuko at kinamot ang kaliwang makapal na kilay niya. Kumibot ang labi, para bang magsasalita pero pinipigilan lang ang magsalita.

"Puro ka kalokohan." Nasambit ko. Nag-angat siya ng tingin, hininto na ang pagngisi at tumikhim na lang.

"Sige na.."

"Tumigil ka."

Lumapit na naman siya sa akin. Hinapit ako sa aking baywang. Natigilan na naman ako at hindi kaagad nakakilos.

"Hindi kita titigilan, sorry." Bulong niya sa akin. pinakatitigan niya ako. Napako ako sa kinatatayuan ko. Hapit sa baywang ko at naiipit sa malapad niyang dibdib.

Hindi siya nagsalita. Unti-unti kong nilapat ang mga palad sa kanyang balikat. Numinipis ang hangin sa aming dalawa. Ang hanging nalalanghap ko na ay ang kanya. Masarap sa ilong at mainit. Nagtatalo ang isipan ko. Itutulak ko siya..dapat ko siyang itulak pero kapag nakikita ko ang mga mata niya, nababalewala lang. Hindi ko nagagawa. Para ba akong tinatali sa kawalan at hihimukin lang kapag hindi na siya nakatingin sa akin.

Napalunok ako. Hindi ko na alam kung ilang beses iyon. Ramdam na ramdam ko ang makahulugan niyang paninitig. Hindi nilulubayan ang aking mga mata.

"Royal?"

Napaigtad ako sa narinig na tawag sa akin mula sa labas ng kwarto—nasa likod lang ng pinto ang Lola ko!

"Apo nandyan ka ba?" marahan na kumatok ang Lola ko. Mas lalo kong naramdaman ang gapang ng lamig sa aking mukha. Ang malakas na pintig sa aking dibdib.

"L-La—n-nandito po ako, sandali lang po!" binalingan ko si Quinn at tinulak sa nakabukas kong bintana. "Umalis ka na! Umalis ka na! Baka makita ka pa ng Lola ko dito!" bulong pero madiin kong sabi sa kanya.

Nagpatianod siya sa tulak ko, pero marahan na hinawakan ang mga palad kong tumutulak sa kanya palabas ng bintana.

"Pumayag ka na muna,"

Real (Boy Next Door #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon