Chapter 2

60.6K 1.9K 309
                                    

Chapter 2

Royal

Nagpapadyak ako pero mas malakas ang lalaking bumuhat sa akin at pinasok ako sa loob ng hasyenda! Isang bugso ng sigaw ang pinakawalan ko pero agad niyang tinakpan ng palad niya ang bibig ko! Hindi ako sumasayad sa sahig, ang lakas ng lalaking ito ay doble o triple ng kaya kong ibigay. Maling hasyenda ang napuntahan ko..hindi ito ang hasyenda Rosemarie—kundi ang hasyenda Esperanza!

Takot na takot ako habang ang loob ng buong bahay ay madilim na at parang walang katao-tao. Dito nagaganap ang patayan sa mga magsasaka at ang lapastangan sa mga kadalagahan..hindi kaya..ito na ang lalaking gumagawa noon? Ang pumapatay? Ang kriminal?

Sumabog ang kabado kong dibdib. Ako na..ako na ba ang susunod?

Naiyak na ako sa kalampag sa dibdib ko. Hinawakan ko ang mga brasong nakapulupot sa tiyan ko. Mahigpit ang yakap niya sa akin, kulang na lang ay ipako ako sa malapad niyang dibdbib, nararamdaman ko ang init ng kanyang balat—walang baro ang lalaking ito?

Binuksan niya ang pinto at pumasok kami. Isang kwarto na may malapad na puting kama ang unang bumungad sa akin. Walang ingat niya akong nilapag doon, napasinghap ako ng malakas dahil sa impact ng pagkabagsak ko. Pero aanhin ko ang sakit kung ang buhay ko naman nasa panganib kaya mabilis kong nilingon ang lalaking iyon na nahuli ko pang hinihingal at nakakatitig sa akin. Magsasalita sana ako pero naglaho ang sasabihin ko nang mapako ako sa hubad niyang dibdib. Nanunuyot ang lalamunan ko at nilukot ang tiyan ko. Wala nga siyang baro, malapad ang kanyang balikat at bahagyang may umbok ang magkabila nitong dibdib. May iilang buhok dito. At nang bumaba pa ang mga mata ko sa kanyang tiyan..mas lalo akong walang nasabi. Alam kong 'abs' ang tawag doon pero..ganito pala ang itsura nito sa malapitan. Nang bumaba pa ang paningin ko sa baywang niya ay namilog ang mga mata ko nang makitang wala na sa butas ang nag-iisang butones ng pantalon niya!

Tama ako! May balak siyang masama!

"Are you done scanning me, my lady?" narinig ko ang kapreskuhan sa nanunuya niyang tono ng boses.

Nagtipon ako ng lakas at buong tapang na tumayo at hinarap ang lalaki. "Ikaw ang killer 'no? Ikaw din ang rapist sa bayang ito?" abot-abot ang kaba sa akin. Kung sakaling malaman ko ngang siya ay anong gagawin ko?

Kumunot ang noo niya. Nagsalubong ang makakapal niyang kilay. Tinitigan ko ang hulma ng kanyang mukha. Ang isip ko ay kinukumpara siya sa nobyo kong si Garett pero mas lamang kagwapuhan ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Hindi malinis ang kanyang panga dahil may maliliit na doong buhok. Kahit sa dilim ay visible sa mga mata ko ang kaunting pamumula ng kanyang mga pisngi. Matangos ang kanyang ilong. Ang pares ng mga mata ay nakakakilabot kahit madilim iyon. Ang labi ay maninipis at mapula na parang pinahiran ng dugo. Ang buhok niya ay malinis ang pagkakagupit kung kaya ang panlalaking hulma ng mukha ay maaliwalas sa kabila ng pagod, puyat at dilim kong nakikita sa kanya. Para siyang modelong kinuha mula sa magazine.

Nababaliw na ako. Bakit ko pinupuri ang kriminal na ito kung sakali?

"And what are you doing inside the premises of my land in late night? Alam mo pala ang tungkol sa patayan at panghahalay sa mga babae, so bakit ka pumunta rito ng ganitong oras? What are you trying to do, woman?"

Napalunok ako. Pagmamay-ari niya ang lupaing ito? Siya ang may-ari ng hasyenda Esperanza! Ibig sabihin ay isa siyang Altamirano.

Kung ganoon pala ay mas nanganganib nga ang buhay ko rito.

At mas lalong nanganganib dahil sa paninitig niya sa akin at sa labi ko.

"N-naligaw ako. Hindi talaga rito ang tungo ko." Dapat ko nang sabihin ang totoo.

Real (Boy Next Door #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon