Chapter 11

50.3K 1.5K 378
                                    

Chapter 11

Royal

Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Inalalayan at halos ayaw akong mabasa o mapatakan ng ulan sa pagprotekta niya sa akin. Hinawakan niya ang pinto sa passenger seat, nang makapasok naman ako ay kinuha niya ang payong ko at siya na rin ang nagsara niyon. Binuksan niya ang pinto sa likuran ko at doon nilagak ang payong ko, ang basket na dala niya at ang namumutik na kumot. Nilingon ko iyon, nilagay niya sa ibabaw ng upuan ang kumot, inabot ko na lang at binagsak sa sahig. Sayang iyong malinis na upuan at mababasa.

Umayos ako ng upo nang binuksan niya ang pinto ng driver's seat at pumasok. Pagkasara ay nilagay niya rin sa likuran ang dala niyang payong.

Pinagmasdan ko siya. Halos basang-basa na ang damit niya. Binuhay niya ang makina ng sasakyan at sinunod ang pag-ayos ng aircon. Lumaganap ang panlalaking amoy sa loob nito. Dinaluhan ko siya at dinama ang likuran niya. "Basa ang likod mo, 'wag mong itapat ang aircon sa'yo." Babala ko. Hindi siya kaagad na nakakibo sa akin. Nilingon niya lang ako at tinitigan ng ilang segundo. "Narinig mo ba ko?" sarkastiko kong tanong sa kanya.

Tumango siya sa akin. "Oo." Tipid niyang sagot sa akin. Sinunod naman niya ako at nilihis ang aircon.

Pinasadahan ko ng tingin ang loob ng sasakyan niya. Kahit inaalapin ako ng mabango nitong amoy at naghanap ako ng malinis na bimpo o tuwalya. Wala akong makita kaya nilingon ko siya—sakto namang hinubad niya ang pang-itaas at iyon ang ginamit na pampunas sa leeg, braso at likuran niya.

Halos marinig ko ang sariling singhap sa ginawa niyang paghubad sa harapan ko. Nang makita ko ng buo ang hubad niyang katawan at mabilis akong nag-iwas ng tingin. Pero imahe niya ang naglalaro sa isip ko habang nakatingin sa papadilim na kagubatan. Napakamot ako sa aking leeg. Obvious na obvious akong umiiwas at nao-awkwardan sa kanya.

"Here," untag niya sa akin. Napaigtad pa ako sa mababa niyang boses.

Hindi ko siya tiningnan. "Ano ba 'yan?"

"Towel. Halika dito pupunasan kita,"

Nanlaki ang butas ng ilong at nilingon siya. Sumipa na naman ang puso ko nang bumadha sa mga mata ko ang hubad-baro pa niyang katawan habang nakaangkla ang isang puting tuwalya sa kamay niya. Ambang pupunasan na ako.

"Ipunas mo na lang 'yan sa sarili mo, ayos lang ako. Hindi ako basang-basa!" hindi ko naman sinasadya pero napalakas yata ang boses ko.

Kumunot ang noo niya. Tiningnan lang ako na para bang may mali sa sinabi ko. "Are you sure? Baka ikaw din ang magkasakit.."

Inirapan ko siya at dinuro. Pinasadahan ko pa ng isang beses na tingin ang katawan niyang may six-pack abs. "Ipunas mo sa katawan ko. Nagbabad ka sa ulanan kanina, para kang baliw d'yan." Pasermon kong sabi sa kanya.

Pero imbes na sundin ako ay lumapit siya sa akin at marahan na pinunas ang buhok sa tuwalyang hawak. Kaya tinabig ko ang kamay niya.

"Ang tigas-tigas ng ulo mo, Altamirano! Isang lapit pa susuntukin na kita." Pagalit kong sabi sa kanya. Nasobrahan yata sa lapit at tumatama na ang mainit niyang hininga sa mukha ko. "Lumayo ka nang kaunti."

Lumayo nga siya sa akin. Pero umupo lang siya at binaba ang kamay na may hawak ng tuwalya.

Tinaasan ko siya ng kilay. Bubulyawan ko sana pero nagbago ang isip ko. Tumikhim ako.

"Magdamit ka na. Malalamigan ka." sa mababang boses kong paalala dito.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Walang reaksyon ang mukha na may inabot sa likuran niya. Isang puting T-shirt, maayos na nakatiklop at naaamoy ko pa ang fabric con na ginamit sa damit. Swabe niya iyong sinuot. Nagulo ang buhok niya at hindi na niya inayos. Nilingon niya ako. Hindi ako nakapagsalita kaagad dahil pagkukulong niya sa kamay ko sa kanyang kandungan.

Real (Boy Next Door #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon