SY: Chapter 54 - Neon

23 1 0
                                    

Few chapters to go and we're done. Stay tuned guys.

***

Camielle's POV

“Wala na rito si Denise.” Ani Janna. Nakatali na ang buhok nya. Sinulyapan ko si Zaila na nakasandal sa gilid ng pulang kotse na dinala ni Denise. Hawak-hawak nya ang cellphone nya at sinusubukan na kontakin si Denise.

“Baka naman nakauwi na sya.” Sabi ko.

“She told me that she'll be home late.”

“Nasa hospital si Denise. Nasaksak daw si Joshua. Baka hindi raw sya makakapunta sa party ni Lola Purple.” Sambit ni Ashley na nakaupo na sa may backseat.

“Tara na at umuwi baka malate pa tayo sa birthday party ni Lola. Bisitahin na lang natin bukas si Josh.” Sabi ni Zaila at saka na sumakay sa kotse.

Nakatitig lang ako sa cellphone ko habang nakaupo sa passengers seat ng kotseng dinadrive ni Janna.

Cheery Blossom Trees ang lock wallpaper ng cellphone ko habang picture naman namin ni Khage ang home wallpaper ko. Nakuha ko na rin ang hinihintay ko.

Binasa ko ang message ni Khage. Sabi nya susunduin na lang daw nya ako sa bahay para raw sabay na kami.

Nasa bahay parin si Charles hanggang ngayon dahil hindi parin sila magkasundo ni Mama. Babalik din yun bukas sa bahay, I know him. He can’t resist our mother. Mas close pa sila kumpara saakin. Daddy's girl kasi ako kaya ganun.

Pagkarating namin sa bahay. Naabutan namin si Charles na inaayos ang mga damit na nakalagay sa sofa. Naihatid na pala ni ate Julie yung mga damit na pinapadala ni Janna.

“Nagtext si Papa na dapat daw bago ang exact time ng start ng party ni Lola. Nandun na tayo.” Aniya.

“Ganun ba?? Kumain ka muna Charles parating na rin si ate Chelsea mamaya.” Sabi ko at saka pumunta ng kusina at kumuha ng ulam sa ref at ininit sa oven.

Nagpaalam muna ako saglit na aakyat na ako para makapag-ayos na. Ayoko ng magarbong suot dahil hindi ako kumportable. Dumiretso agad ako sa isa pang kwarto kung saan nakalagay ang mga damit namin. May tatlong malalaking closet sa loob at anim na malalaking shoe rack. Pare-parehong nakaayos para hindi kami magkalituhan.

Nang makapili na ng damit ay nilapag ko yun sa kama at saka na naligo.

***

I stared at my reflection. I settled to wore Blue Dress and a pair of gold doll shoes. Denise braided my hair into two. Nakasuot din ako ng hikaw na gift ni Dad nung 16th birthday ko at kwintas na gold na may pendant na heart, yung nareceive ko nung Valentines Day.

Bumaba na ako at saktong nasa baba narin si ate Chelsea. Naka halter top sya na red na pinares nya sa highways pants nya at sapatos.

Mukha silang excited so I should be the one too I guessed??

More couple of minutes had passed after we decided to go at our house.

Hawak-hawak ni Khage ang kamay ko habang ang isang kamay naman nya ay nasa steering wheel. Nasa likuran ang kotse nila Zaila kasunod ng kotse ni Khage.

Sinusubukan akong kausapin ni Khage at pagaanin ang atmosphere sa pagitan namin. Sumasagot naman ako pero tipid lang. After a year, ngayon ko na lang ulit makikita ang Lola kong naging kasa-kasama ko nung maliit pa ako.

“Things will go well.” Aniya sa tabi ko at mas hinigpitan pa ang hawak sa kamay ko. Ngumiti ako sa kanya at saka bumaling sa labas.

Hindi sa OA ako. Bukod kasi sa kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari ay natatakot parin ako sa katotohanang pwedeng pwede nya parin kaming paghiwalayin ni Khage pag ayaw nya rito. I know her well and everyone knew what my Grandmother is capable of doing.

Still You #Wattys2018Where stories live. Discover now