SY: Chapter 52 - Fairytale

29 3 1
                                    

Recap:

Natanggap narin sa wakas ni Shoichi si Jay para kay Zaila. Shoichi said that he will pay some visit to Jay's father, and told Jay to call him Tito Shoichi instead of Sir Shoichi.

Sumunod na araw ay nagising si Camielle sa kwarto ng kaibigan nya dahil nagmovie marathon sila. Sinundo sya ni Khage sa bahay nila Jica and have a date. Habang nagising naman si Asley sa tabi ni Ken.

Nagrecap lang ako kung sakaling nakalimutan nyo na yung nangyari sa last chapter. Kasi last year pa pala yung last ko na UD. Hahaha. And yeah ito, na po yung update. Salamat sa paghihintay kung may naghihintay ba talaga. Hahaha

Enjoy reading~

***

Janna's POV

Kanina pa ako nakatingin sa labas habang naandar ang Van na service ni Zaila.

Kanina ay tinext ko ang driver nito na daanan kami sa bahay dahil bumalik sila para kunin yung nakalimutan daw ng isang staff na kasama nila.

Nakapulupot ang braso ni Denise sa braso ko habang kumakanta sya. Papunta ang Van sa Lancaster kung saan kasalukuyang nagaganap ang Book Signing ni Zaila. We are here to support her Book Signing.

Ito na ang pangatlong beses na nakapunta ako sa BS nya. Madalas kasing nagaganap ang event tuwing may klase. Gusto ko namang pumunta pero lagi akong pinapapasok ni Zaila kaya wala akong magawa. At ngayon saktong Linggo ito naganap kaya free kami.

Pagkatigil ng Van ay syang pagtigil din ni Denise sa pagkanta. Binuksan na nya ang pintuan ng Van kaya bumaba na kami. Humampas ang malakas na hangin pagkababa namin kaya bigla akong napahawak sa palda na suot ko.

“Hintayin na lang natin na matapos si Zaila sa Book Signing nya tapos kain tayo sa labas.” Suhestyon nya at saka naupo sa hagdanan ng Van. Tinawag nya ang naglalakad na si kuya Lacrosse na isa sa mga Marshall ng event.

Kinawayan kami nito at saka tinuro kung saan ang daan papuntang Square. Tumigil lang kasi ang Van sa tapat ng malaking simbahan. At hindi sa lugar kung saan nagaganap ang event ni Zaila.

Nung umalis na si kuya Laxus ay nagsalita ako. “Pumunta pa tayo rito para isupport sya.” Sabi ko ng may halong sarcasm. “E kasi e, ang sakit na kasi ng pwet ko.”

“Kaya nga maglalakad tayo papunta dun sa Square para makatayo-tayo ka naman. Tara na.” Ani ko at saka na sya hinila pero huli na dahil nakita na namin si Zaila na naglalakad sa malayo. Nakasuot sya ng medical mask dahil may ubo at sipon ito due to weather changing.

“Oh pumunta pala kayo.” Hinubad nya ang medical mask at saka kinuha ang tubigan na nasa likuran ko. Halata ang pagod sa mukha nito. Kaninang 9 pa sya rito. At ngayon, 5 na ng hapon.

Nakita rin namin na naglalakad papalapit saamin si Jay. Dala-dala nya ang isang maliit na bag na blue na regalo ko kay Zai nung birthday nya last year.

“Uuwi na ba kayo diretso??” Tanong ko.

Umiling si Zaila. “Let’s eat first.” Nagpaalam muna sya sa mga nagsisidatingan na Marshalls at Staff bago sya pumasok ng Van.

Naupo sila pareho ni Jay sa bandang likuran. Habang kami ni Denise ay bumalik naman sa inuupuan namin kanina.

Inayos ko ang suot kong jacket at ako naman ang sumandal kay Denise.

Kinuha ko ang cellphone ko na nagvibrate sa bulsa ng skinny jeans na suot ko. Nakita ko ang text ni Benedict.

From: Benedict

Asan ka na?? Andito na ako.

Bigla akong napaayos ng upo nang mapagtanto ko ang ipinangako ko kay Benedict na sasamahan ko sya sa SM Center para mamili ng pwedeng iregalo kay Sherden sa darating nilang 1st Anniversary.

Still You #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon