SY: Chapter 36 - Self Issues

44 4 3
                                    

Denise' POV

"Sht!" Mura ni Zaila ng walang sumasagot ng tawag nya sa kabilang linya. "That girl." Sabi nya sa sarili.

"Kasalan ko na naman." Nakatungong sabi ni Camielle na nakaupo sa sofa. "Palagi na lang. Paano kapag ka. May nangyari sa kanyang masama??" Sabi nya. Tears are started to flow from her eyes.

"Walang may kasalanan ok?? We just need to find her." Zaila said. Khage patted Camielle's back.

Bakit ganun?? Bakit simula ng pumasok kami sa Sailers University nagkaroon na ng mga ganito?? Bakit simula nung nakilala namin silang limang mga magkakaibigan e nagkandasira-sira na tong pagkakaibigan namin??

Nabangga si Zai, naging si Khage at Camielle, nasaktan si Ashley, muntik ng masira ang pagkakaibigan nila tapos ngayon nawawala si Ashley.

"Wala daw ba sa hotel??" Tanong ni tita Adelfa kay kuya Samuel.

"Sabi ng nasa front desk, wala." Wika ni kuya Samuel. "Baka naman kasama nya si kuya Ken." Clark concluded. Nakaupo ito sa sofa habang katabi si Aldrin. Naglalaro lang sila ng games.

"Clark is right. Sinundan ni Ken si Ashley." Nagsimula ng magtype ng text si kuya Samuel sa cellphone nya. "Ngayon alam na natin kung sinong kasama nya. She's safe." Napasigh kami sa sinabi nya.

Tiningnan ko ang wall clock nila Zai. Halos 1 na. Pero parang wala sa bukabularyo namin ang matulog, mahanap lang si Ash. "Khage umalis ka na." Ani Janna na nakatingin sa cellphone nya.

Tiningnan sya ni Camielle. "Umaga na. You should go home." Janna added before darting him a glance. "Oo nga Khage umuwi ka na. Baka magalit pa sayo sila tita." Khage kissed her forehead bago nya kami iniwang lahat.

Nauna na ang mga parents ko same as Janna. Dito na lang kami matutulog sa guest room nila Zai. "Mauuna na kami." Sabi ni tita Adelfa kay tita Jodelyn. "O sige. Mag-inga kayo."

"Tita?? Aakyat na po ako." I said. Nginitian ako ni tita kaya umakyat narin ako.

Bago ako humiga sa kama nag shower na muna ako para fresh. Pagkatapos kong magshower ay tiningnan ko ang kama. Wala parin sila Janna at Camielle dun. Nakita ko yung sliding door ng terrace kaya naglakad ako papunta dun at binuksan yun. "Hmm.." ungol ko ng salubungin ako ng sariwang hangin.

"Camille? Sa tingin ko. Kailangan mo ng hiwalayan si Khage." Agad na napadapo sa baba ang tingin ko ng marinig ang boses ni Janna. Gulat syang tiningnan ni Camielle. "A-ano??"

"Ang sabi ko siguro dapat mo ng hiwalayan sya."

"Khage is a toxic of your friendship with Ashley."

"That's not right." Biglang singit ko ng makababa. "Wag ka ng makielam dito Denise."

"Why should I?? Kaibigan nyo ko. Kaya pwede akong makielam. At hindi tama yang sinasabi mo."

"Hindi tama?? Bakit?? Ang ituloy ba ang relation nilang dalawa ang tama?? May nasasaktan, Denise."

"Guyss." Rinig naming hikbi ni Camielle sa gitna namin. "Pag ba naghiwalay sila walang masasaktan?? Sa tingin mo ba, pag naghiwalay sila magiging masaya sila??"

"Oo. Kasi malaya na silang tatlo."

"Malaya?? Khage and Camielle love each other. Kung puputulin nila ang ugnayan nila. Madadagdagan lang ang masasaktan."

"Atleast hindi sya naging selfish."

"Janna." Tawag ko sa kanya. "Hindi ko alak kung bakit ganito na kakitid yang utak mo." I added. Nag-init ang gilid ng mata ko ng makita kong may lumihis na luha sa mata nya.

Still You #Wattys2018Where stories live. Discover now