SY: Chapter 45 - Intermission Number

50 4 2
                                    

Janna's POV

Tulad ng lagi kong nakagawiang katangahan. Aksidente kong natabig ang vase sa tabi ko. Bakit ba sa twing nagtatago ako e lagi ko tong natatabig?? At vase pa talaga huh.

Napatingin sakin yung babae at si Paul. "Kanina ka pa ba dyan??" Tanong ni Paul saakin. I nailed my eyes at the girl who run away from the program hall. "Janna??"

Tawag ni Paul. "Kakalabas ko lang. Tara na." Nauna na ako sa paglalakad para makaabot pa sa pageant. Naabutan ko sa backstage si Benedict na naka cross arms habang pinapanood ang mga candidates na rumampa sa stage.

"Sabihin mo dun sa emcee na ready na kamo kami." Rinig kong utos ni Paul dun sa organizer. Wala talagang galang kahit kailan. Ng marinig ni Benedict ang boses ni Paul ay napatingin sya sa direction ko.

Napataas ang kilay nya sa suot ko. I bit my lower lip. "Naka swimming attire ka na, swimmer ka na??" He asked sarcastically. "Tss."

"Ok good news, students. Co'z the representatives of two departments are now ready to ramped with their sports wear. Let's see what is the favorite sports of the contestants of Accountancy Business Management." Umakyat na kami ni Benedict ng stage.

Nakita ko ang pag-angat ng tingin ni Zaila sa direction ko. Nakangiti syang nakatingin saakin. "I know you can." I saw her mouthing it. Nadismaya ako ng makita ang upuan na para dapat kay Camielle na bakante pa rin hanggang ngayon. Asan na kaya sya??

"GO JANNA!" Ashley shouted. Konting rampa lang ay bumalik na kami ni Benedict sa backstage. "I thought, we'll gonna be disqualified for tonight." Ani Benedict sa tabi ko.

"Akala ko rin." Inikot ko ang paningin ko sa backstage. Hindi ko na nakita yung babae kanina sa comfort room. "Ah yung babae bang nakatapon ng cocktail drink sa damit mo??" Tanong ni Benedict na syang kinalingon ko.

"Disqualified na sila ng partner nya. Hindi na kasi bumalik yung babae. Saka utos na rin yun ni Ken. Galing sya dito kanina." Napatango na lang ako dahil sa sinabi nya.

"Don't mind others. Just mind yourself." Parang nanghinayang ako bigla. Pero teka na muna. Ano yung pinag-uusapan nila Paul kanina na dapat sa chocolate lang tinapon nung babae yung cocktail drink na iniinom nya??

Camielle's POV

Tinanggal ko ang earphones sa tenga ko at saka nag-inat ng kaunti ng matapos sa ginagawa kong research. Tiningnan ko ang clock sa cellphone ko. 8 na. Pano na to baka masermonan na naman ulit ako ni Zaila mamaya pag-uwi ko??

Tiningnan ko ang paligid. Sa sobrang focus ko sa research na ginagawa ko ay ako na lang pala ang natitira dito sa loob ng library. Pinasadahan ko ng tingin ang matandang librarian na kakapasok lang dito sa loob.

"Oh? Tapos ka na ba?? Ibabalik mo na ba yang libro??" Masungit nyang tanong. Ang creepy talaga ng matandang librarian na to. Parang galit sa mundo e.

"Ahm.. opo." Sabi ko saka na naglakad papunta sa shelf at binalik na ang mga libro sa tamang ayos.

"Bakit nga pala ngayon ka lang natapos dito sa research mo huh, ineng??" Tapos ngayon magtatanong sya na parang close kami huh?? "Kasi po.." hindi na ako natapos sa pagiging sarkastiko ng may humila saakin.

"Camielle, tara dali!!"

"Silence!" Sigaw ng librarian. "Wag ka ngang maingay." Hinarap ko sya.

"Ano ba yun??" Halos bulong kong tanong. "Tara."

"Saglit." Hinila nya ako palabas ng library. Sya na rin ang humila ng bag ko sa monoblock chair. Binalewala nya ang nagaalburuto na sigaw nung librarian dahil sa ingay namin basta makalabas lang kami.

Still You #Wattys2018Where stories live. Discover now