SY: Chapter 30 - She Already Knew

42 6 0
                                    

Camielle's POV

"Ashley!!" Muntik na akong madapa sa hagdanan mahabol lang sya. Bakit ba ang bilis nyang maglakad?? Iniiwasan nya ba ako?? Pero bakit?? Hindi naman siguro.

Binilisan ko pa ang lakad ko papunta sa parking lot ng pagkababa ko sa building kung nasaan ang library ay wala sya. Naabutan ko syang naglalakad papasok ng parking lot. Agad akong tumakbo at hinawakan ang kamay nya.

"Ashley naman kanina pa kita tinatawag wala ka bangㅡ" napalunok ako ng makitang pula ang mata nya at may bahid pa ng luha sa pisnge nya

"Ano nangyari?? Ba't ka umiiyak??" Tanong ko. I was about to held her ng matigilan ng dahil sa tanong nya "Kayo na ba ni Khage??" Ilang beses akong napakurap dahil sa tinanong nya. Alam na nya. Pero kailan pa??

"Camielle, answer me. Kayo na ba ni Khage??" Ulit nya. Ilang minuto akong naging tahimik. Nangangapa ng sasabihin kaya hindi ko na napansing may tumulo ng luha mula sa mata ko. "I-I'mㅡ" nagulat ako ng sampalin nya ako. "Bakit??"

"Sorry Ashley." Sinubukan ko syang hawakan pero umaatras sya na para bang nandidiri saakin. "Don't. touch. me." Seryoso nyang sabi pero iba ang dating noon saakin. "Sorry.."

"Bakit sya Camielle huh??" Hindi ako sumagot sa tanong nya. At umiyak lang sa harap nya. Alam ko na talagang malalaman nya. Alam ko na yun simula pa lang.

"Bakit sya pa??!! Bakit sa dinami-rami ng lalaki sa campus na to. Bakit sya pa??!! Diba alam mo naman na mahal ko sya?? Diba??!!" Nagulat ako sa biglaan nyang pagsigaw. Kaya mas lalo akong napahagulhol. Unang beses ito na sigawan nya ako.

At may mga istudyante na rin kaming napupukawan ng attension dahil sa eksenang ginagawa namin.

"I'm sorry. Alam ko kasing magagalit ka pag sinabi ko."

"Alam mo naman pala e! Pero bakit pinatagal mo pa??!!"

"Mahal ko si Khage." Nakatanggap na naman ako ng isang malutong na sampal mula sa kanya. Sa totoo lang hindi naman masakit ang sampal nya ang masakit ang pagtaasan nya ako ng boses at sumbatan.

Buong buhay naming dalawa puro lang kami saya. May mga tampuhan pero hindi umaabot sa puntong nagkakasakitan kami. Pero ngayon iba na. Nararapat lang naman saakin ito dahil inagaw ko ang lalaking gusto nya. "Ashley!"

Hindi ko nakita kung sino ang taong tumawag kay Ashley dahil nakatakip ang mga kamay ko sa mukha ko pero alam kong si Ken yun. Agad akong umiwas ng maramdaman ang kamay ni Khage sa balikat ko. Umiiwas na ako dahil baka mas lalo pang magalit si Ashley. "Calm down Ashley. Gumagawa ka ng eskandalo dito."

"I don't fucking care." Matigas na wika ni Ash. "You betrayed me. You fucking betrayed me!! Camielle!! Niloko mo ko! All of a sudden ang akala ko magkaibigan lang kayo pero may namamagitan na pala sa inyo." Tahimik lang ako habang dinadama ang mga salita nya.

"Alam mo to Ken??"

"Oh come on! Ang dali-dali lang ng tanong ko. You'll just answer yes or no. Now, I'll repeat my fucking question, matagal mo na ba tong alam??"

Ng tuluyan na akong mayakap ni Khage ay niyakap nya ako ng mahigpit at hinalikan ang buhok ko. "Hush down, love. Magiging maayos din ang lahat." Bulong nya. Iyak lang ang sinagot ko sa kanya.

"Shh. Camielle, stop crying." Napatigil si Khage sa pagcomfort saakin ng sumagot si Ken na halos pabulong na.

"All this time niloloko na pala ako ng mga taong nasa paligid ko, hindi ko pa alam."

"Tch. Ang tanga ko talaga." Natahimik kami matapos nya yun sabihin lahat. "Let me go." Rinig kong utos nya kay Ken. "I said let me go."

"Ashley.."

Still You #Wattys2018Onde histórias criam vida. Descubra agora