SY: Chapter 38 - Unlucky Day

52 5 6
                                    

Denise' POV

Nagising ako dahil sa amoy ng fried rice na niluluto ni Janna sa kusina. Bigla tuloy akong nagutom. Umupo na ako sa kama at bumaba na rin. "Good morning." Bati ko. Lahat sila ay naka bihis, liban kay Ashley na kakalabas lang ng CR.

"Anong meron?? May lakad kayo??" Tanong ko saka umupo narin sa lamesa. Nilapag ni Janna ang fried rice sa gitna at saka umupo na rin sya. "Yep." Maikling litanya ni Camielle. "Saan??"

"Ngayon na natin kukunin ang mga card natin. Ikaw?? Sasabay ka ba??" Tanong ni Zaila na patapos na ngayon sa pagkain. Ay oo nga pala no, malapit na naman ang second semester. "Oo, sasabay na rin pala ako." Tumango lang sya.

Binilisan ko na ang pagkain dahil baka iwanan nila ako. Pagkalabas ko ng kwarto nag vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko yun at inopen ang kakarecieve ko lang na text galing kay dad.

From: Daddy

Mamaya anak ah??

I rolled my eyes dahil sa text nya. Blind date. Tss.

"Oh, bakit ang dilim ng mukha mo??" Tanong ni Janna pagkababa ko. Pano hindi didilim, e inoperan lang naman ako ng magaling kong ama ng blind date. Hindi ko na nga yun ginagawa ever since nung tumuntong ako ng college e.

"Ipagba-blind date na naman ako ni daddy mamaya." Napangiwi ako sa sinabi ko. "Oh? Maganda yan para magkaroon ka narin." Sabi nya. "Magkaroon?? Bakit hindi ba ako nagkaroon dati??"

She smirked at me. "Ibang usapan yun Denise. Mga hindi mo naman sineryoso yung mga yun e."

"Atleast nagkaroon at tumagal."

"2 weeks?? Seriously??" Napairap ako dahil sa sinabi nya. She patted my shoulder. "Just accept it. Hindi naman sakit sa ulo yan e."

Talaga lang?? Para siguro sa kanya. Pero para sakin sakit sa ulo yun at saka nakakamatay yang pag-ibig pag-ibig na yan. Muntik na nga syang mamatay nun dahil na overdose sya ng pills, and guess what sinadya nya yun para raw mawala na sya. Kasi wala na sa kanya si Tan e.

"Tara na." Sabi ni Ashley na kakalabas lang ng dining area. Lumabas na kami at sumakay na sa mga kotse namin.

After ng ilang minutong byahe ay narating na namin ang school. Marami ring tulad namin na balak narin kunin ang mga card nila. Pumila na kami ni Zaila sa registrar namin habang sila naman ay nagsarili na.

"Muntik na." Sabi ko ng makita ang card ko. Muntik ng bumaba ang grades ko. "Bakit ganyan??" Tanong ni Janna pagkakita sa card ko. Binalik nya na saakin ang card ko. Nandito kami ngayon sa Sailers Garden at nakatambay.

"Hindi ko alam." Sabi ko. Pero buti na lang at pasa ako.. pasang awa.

"Uy, Janna!" Tiningnan namin ang biglang dumating na si Benedict. Kumaway sya saamin. Kinawayan naman namin sya pabalik. "Musta grades??" Tanong ni Janna saka tinapik ang tabi nya. Nakasandal sya sa bars ng garden. Habang kami ay nakaupo sa bench.

"Ito pasado." Masayang wika ni Benedict.

Napadukdok ako ng mukha. Ng biglang makatanggap ng mensahe galing kay daddy.

From: Daddy

Honey, nagpadala na ako ng kotse sa labas ng school. I know na nandyan ka. Janna told me dahil kukuha raw kayo ng card ngayon.

Sabi sa mensahe. Gusto kong sisihin si Janna dahil sinabi nya kung saan ang skwelahan namin kaya lang wala naman syang alam sa nangyayari kaya wag na. "Ano bayan??" Tanong ni Zaila saakin. Naiinis na ata sya sa paulit-ulit kong pagbuntong hininga.

"Wala. Si daddy kasi." Tinaasan nya ako ng kilay. "Pinapapunta ako sa bahay." I lied. "Puntahan mo." Lumihis ang tingin nya sakin at napakunot ang noo.

Still You #Wattys2018Where stories live. Discover now