SY: Chapter 48 - Friendship

31 4 0
                                    

Janna's POV

"Oh, kumain ka ba ng sili, Ash. Para maging ganyan kapula yang pisnge mo??" Halakhak ni Denise pagkapasok ni Ashley. Hindi sya pinansin ni Ashley at nagdire-diretso lang paakyat.

"Mag-isa syang umuwi??" Usisa ni Zai pagkalabas ng banyo. Sumilip sa labas si Camielle. "Hindi, may kotse sa labas. Kay Ken ata." Saka na sya naupo. Maya-maya ay narinig na namin ang makena ng kotse at ang unti-unting pagkawala nun.

"Ashleeey! Bumaba ka na! Kumain na tayo!" Zaila shouted from the end of the stairs. "Ayoko!" Ashley yelled back.

"Tara na." Aniya saka na naupo sa gitna.

Tiningnan ko ang cellphone ko sa lamesa na biglang tumunog. Binaba ko kaagad yun at ni-silent para di makaistorbo sa pagkwekwentuhan nila. Binasa ko ang message na kadarating lang.

From: Paul

Kumain ka na ba??

To: Paul

Kumakain pa lang, kasabay ko sila Zai.

From: Paul

Ahh, sige. Kain ka muna. Maya na lang kita itetext. Eatwild.

"Uy, sino yan??" Napatay ko kaagad ang cellphone ko nang dungawin yun ni Denise sa tabi ko. "Si daddy."

"Hindi mo kailangang itago, Janna." Natatawa nyang sambit at saka nagpatuloy sa pagkain. Napabuntong hininga ako sa bilis nang pangyayari.

Natapos na kami sa pagkain kaya nagtipon-tipon kami ulit sa sala para mag movie marathon ng horror movie. "Ano bang maganda??" Tanong ko habang napili ng movie sa youtube. Panay lang ang pindot ko sa next button habang naghahanap rin sila.

"Ako maganda Janna." Nabato ko nga ng unan sa mukha si Ashley. "Grabe naman!" Reklamo nya saka binato pabalik saakin ang unan. Binato ko yun pabalik sa kanya. Hanggang sa batuhin kami pareho ni Zaila ng unan sa mukha.

"Pagpatuloy nyo." Aniya saka bumalik sa pagkakaupo. We both Ashley rolled our eyes to each other at saka na ako nagpatuloy sa ginagawa ko.

"Insidious??"

"Napanood na natin yun, Denise." Ani ni Camielle na nakadapa sa mahabang upuan. "Stranger??" Tanong ko ng makita ang title sa baba. "Trailer lang yan e." -Zaila

"The Conjuring 2??" -Denise

"Paulit-ulit?? Di makaget-over kay Valak??" -Camielle

"Veronica." I mumbled slowly. "Yan ba yung sinasabi nilang pinakanakakatakot na movie sa netflix??" Tanong ni Camielle na nawala ang pokus sa libro nya. "Oo." I answered and then clicked the movie.

"Saglit lang naman!" -Camielle

"Keme ka Janna." -Ashley

Naupo na ako sa lapag ng magsimula na ang palabas. Kukunin ko na sana ang isang threw pillow pantakip ng mata ko para sa jumpscares kuno mamaya nang makita kong umilaw ang screen ng cellphone ko. I pick it up and opened the message.

From: Paul

Are you sleepy??

To: Paul

Movie marathon.

From: Paul

Masyado ng gabi. Can I call you instead??

"Past muna ako sa movie marathonㅡ"

"Shh!" -Denise

Wala namang sumagot kaya tumayo na lang ako papunta sa taas. "Janna??!" Tinulak ni Ashley ang pwet ko paalis. "Tabi!"

Still You #Wattys2018Where stories live. Discover now