SY: Chapter 25 - His Face

39 3 0
                                    

Janna's POV

"Janna??" Nagulat ako ng makita sa labas si Benedict. Nakasuot ito ng jersey shirt ng school. At may pinapaikot na bola sa daliri. Maaga ang uwian namin ngayon dahil may practice ang mga Varsity Player ng campus.

"Pauwi ka na ba??" Tanong nya sakin saka nilagay sa kamay nya ang bola. "Oo. Bakit??" Napakamot ito sa ulo nya. Ngumisi ako dahil para syang batang maliit sa ginagawa nya.

"Pwede bang panoorin mo kong manood ng practice game?? Sa gym??" Tanong nya. Tiningnan ko ang wrist watch ko. Alas tres pa lang ng hapon. Wala naman akong gagawin sa bahay at pwede namab akong mag commute kung sakaling iwanan ako nila Zaila.

"Sure." Ngumiti ito ng malapad bago tumalikod. Nauna sya sa paglalakad na sinusundan ko naman.

Nakita ko ang number 16 sa likod ng damit nya na may nakalagay na 'STRALLEDO' sa itaas. Pagkababa namin ng hagdan ay hinintay nya ako para makasabay sa kanya sa paglalakad.

"Anong course mo??" Tanong ko. "Fine Arts." Sagot nya. Tumango ako. Halata nga sa kanyang mahilig sya sa mga drawings. Pagkapasok namin ng gym ay medyo maraming istudyante na ang nanonood. Nakita ko rin sila Zaila na nakaupo sa likod ng mga bleachers.

Player nga rin pala si Jay dito kasama yung kapatid nun na si Kim. Nag wa-warmb out pa lang ang players ng magkabilang team. Team ng Saint. Pethers ang kalaban nila ngayon.

"Janna dito!" Pumunta kami ni Benedict sa kinaroroonan nila. Tumayo sila pagkalapit namin. "Guyss this is Benedict. Ben, ito sila Zaila, Ashelle, Camielle at Denise." Kumaway sila kay Ben. Ngumiti naman si Ben.

"Stralledo!!" Sigaw ng coach nila. Humarap saakin si Benedict. "Punta na ako dun. Panoorin mo ko ah." Tumango ako. Ngumiti sya at saka bumaba at pumunta sa coach nila.

"Kaibigan mo??" Tanong ni Denise. "Hmm.."

"Mukhang mabait ah. Diba yan yung nakita ko sa Mall na nag-abot ng panyo mo??" Tanong ni Ashelle. Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. "Nakita mo kami??"

"Oo. Ba't ka nga pala namumula nun??" Takha nyang tanong. Bigla ko na namang naalala ang mga nangyari nung mga araw na yun.

*Flashback*

Papasok na sana ako sa pangalawang cubicle ng may marinig akong parang may nauntog sa pintuan ng first cubicle na occupied. Hindi ko na sana papansinin pero may narinig akong isang ungol. "Hmm~ Paul~"

What the fvck! Imbes na pumasok sa second cubicle at mag bawas ay lumabas na ako. Yun nga lang. Nasagi ko yung vase sa gilid ng pintuan.

Tumingin ako sa cubicle kung saan may nagaganap na milagro. Pero parang wala silang narinig kaya tumakbo na ako palabas kaya lang.

"Ano ba yan!!" Sigaw ko sa bumangga saking lalaki.

"My apology, Miss." Napatingin ako sa likod ko dahil bumukas ang pintuan. Una kong nakita ang magandang babae na lumabas bago ang isang lalaki na magulo ang buhok at nakabukas ang first two botton ng polo nya.

Ngumisi sya sakin.

Lupa kainin mo na ako ngayon na!! Nakakahiya!

Tumakbo na ako at iniwan ang dalawang lalaki dun.

Alam nya kayang nakita ko sila?? Hindi, hindi Janna! Narinig mo lang sila! Hindi nakita. Boba! "Miss saglit!" Patuloy lang ako sa pagtakbo.

Biglang may humawak sa siko at hinila ko. Sa pagaakalang sya yung lalaki sa cubicle kanina ay nasigawan ko sya. "Naiwanan mo," sabi nya sabay abot ng panyo ko.

Still You #Wattys2018Där berättelser lever. Upptäck nu