SY: Chapter 37 - Childhood Memories (Part 2)

49 5 4
                                    

Ashley's POV

Lumabas ng bahay si Denise ng masagot ang isang tawag. Ako naman ay kinuha yung naiwang chilli flour sa lamesa. Pagkakuha ko nun ay binigay ko na kay Janna na nagluluto.

Umupo ako sa sofa at nanood ng TV. "Yeah." Pakinig kong walang ganang pagtatapos ni Denise sa usapan. "What is it?? Sino yun??" Tanong ko dahil nakabusangot syang pumasok ng bahay. Umiling lang sya sakin. "Wala lang yun. Si dad yun." Sabi nya.

"Ok."

"Kakain ba muna tayo bago umalis??" Tanong ko kay Zaila na ngayon lang natapos sa ginawang paglilinis sa taas. Tiningnan nya ako. "Kayo bahala. Kasi dun na ako kakain e. May liempo pa naman dyan sa ref kaya pwedeng ihawin dun."

"May bacon kasi e kaya kakain ako ngayon saka mamaya." Nakangiting tugon ni Denise. "Sige." Pupunta na sana sya sa CR ng pigilan ko sya.

"Isasama mo ba si Jay??" Tanong nya sakin. Nilingon naman nya ako. Inayos nya na muna ang buhok nya bago ako sagutin. "Hindi. This is our time for each other. Kaya hindi ako magsasama ng iba." Mabuti naman!

"Ok!"

***

After naming kumain ay umalis na rin kami. Sa isang kotse na lang kami sumakay lahat dahil kasya naman kami e. Si Zaila ang nag dadrive dahil sa kanya ang kotseng to. Sinusundan nya lang yung map sa cellphone nya na nakadikit sa dashboard.

"Magplano na tayo kung anong una nating gagawin dun." Sabi ni Denise na nasa gitna namin ni Camielle. "Like what??" Lingon ni Janna sa kanya sa rare view mirror. "Hmm.. gumawa ng sand castle??"

"Ano ka bata??"

"Merong mga water activities dun." Ani Zaila bago inikot ang kotse sa kanan. "Meron pala. Ano-ano??" Sabay na tanong ni Camielle at Denise. "Like, banana boat. Or ano.. basta."

"May surfing kaya sila dun??" Tanong ko. I love adventuring. I also love surfing. Si hyung pa nga ang nagturo saakin nun e. "Meron naman."

"Ayos!! Excited na ako!" Sabi ko saka sumandal sa head rest ng upuan. Tumingin na lang ako sa labas para aliwim ang sarili ko sa mga nakikitang view.

"Malayo pa ba tayo??" Tanong ko dahil halos 2 hours na kaming bumabyahe. Ang akala ko ay malapit lang. Makakaabot na lang kami sa Mindanao pero hindi parin kami nakakaratinf sa distenasyon namin. Kamusta naman yung pwet kong kanina pa nakaupo.

"Malapit na." Sabi nya. Umayos na ako ng upo at sinanandal ang ulo ni Denise na tulog sa balikat ni Camielle na mahimbing din ang tulog. Tiningnan ko ang orasan sa cellphone ko.

3:40PM

Makalipas ang ilang minuto ay tumigil na ang kotse ni Zaila. Tumingin ako sa labas at biglang pumurma ang isang malaking ngiti sa labi ko. Nasa beach na kami!! "Guyss. Were here." Gising ni Janna sa mga natutulog naming kasama.

Lumabas na kagad ako ng kotse at agad na tumakbo sa pino at puting-puting buhangin. "Hmm. Ang saraaaap! Sariwa." Sabi ko habang nilalasap ang malakas na bugso ng hangin. Tiningnan ko ang paligid ko. Maraming mga turista ang nandito ngayon. Karamihan ay mga Amerikano dahil sa kulay pa lang ng kutis nila at sa built ng katawan.

"Yehey!" Sigaw ni Denise bago tumakbo sa pampang at medyo umupo para abutin ang tubig. "Ang linaw ng tubig. Ang ganda." Sabi nya pa habang tumitingin sa malayo.

After namin purihin ang ganda ng dagat ay naghanda na kami para sa lulutuin na liempo. Nasa kwarto lang ako sa nirentahan naming beach house. "Pwede na ba daw tayo magswimming??" Tanong ni Denise na hawak-hawak na ang bikining susuotin.

"May nakita akong nag bababanana boat doon oh. Try natin??"

"Pwede ba yun?? Kahit dalawa lang tayo??" Tumango sya. "Makikisama tayo sa iba. Pwede yun. Tara!" Sigaw nya bago kunin ang kamay ko at lumabas kami ng beach house. Tinungo namin yung sa banana boat. Nagbayad na muna kami bago nila kami iarrange.

Still You #Wattys2018Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora