SY: Chapter 43 - Date (Part 1)

48 4 6
                                    

Denise' POV

"Prinsesa! Gising na!" Tinaboy ko ang kamay ni Ashley na tumatapik sa mukha ko para istorbohin ako sa maganda kong panaginip

Isang panibagong araw na naman para sa usual day at routines. Masyado pang maaga pero hindi ko alam kung bakit ginigising na ako ni Ashley. "Ayoko pa." Umikot ako sa kama ko para maiwasan ang kamay nya.

"Denise?? Babaan mo naman yung bisita mo sa labas oh."

"Sino ba??" Antok kong saad at saka muling pumikit. "Si Joshua." Rinig kong sagot ni Zaila na dumaan lang ata sa kwarto namin. Agad akong napabangon dahil sa sinabi nya.

"Anong.. anong sinabi mo??" Tanong ko kay Ashley na inaayos na ang kanyang sarili. Dito pa sa banyo ng kwarto namin naisipang maghilamos. At yun na ata ang nakahiligan kong linya nitong mga nakaraang araw ah.

"Hindi ako nagsabi nun si Zaila." Napailing na lang ako sa sinabi nya. Lumabas na sya ng banyo ng basa ang mukha. "Ang sabi nya. Nasa labas lang naman po si Joshua Stellanie mo." Nandiri ako bigla sa sinabi nya.

"Joshua Stellanie ko??" Napakibit-balikat na lang sya bago lumabas na ng kwarto. Dumungaw ako sa bintana sa harapan ko at nakita ko nga ang isang mamahaling at kumikintab pa na kulay itim na Porsche. Anak ng siopai at grabe naman ka kakinis ang kotse ng panget na to.

Inayos ko na muna ang sarili ko at hindi na nag-abala pang magpalit ng damit at saka na ako lumabas para kitain sya. Saktong paglabas ko sa gate namin ang syang paglabas din ng nakapormang si Joshua. May suot pa itong shades.

Mas lalo lang syang pumanget dahil sa outfit nya today.

"Si Joshua ba yun??" Rinig kong bulong ng isang istudyante sa kabilang kalsada napatingin naman ako dun. Umiwas ng tingin sakin yung babaeng nagtanong.

"Ang gwapo nya talaga! Mas lalo syang gumwapo sa suot nya ngayon!"

"Joshua be mine please!"

"Joshuaaaaa!"

Mas gusto ko na lang na umatras dahil sa sunod-sunod na bulungang naririnig ko sa paligid ko. Pinagkakaguluhan na kami rito sa labas at pati ang apat kong kasama sa bahay ay nakiusyoso na rin. "Jusmeyo naman." Bulong ni Camielle na napatigil sa pagdidilig ng halaman sa likod bahay.

"Anong kailangan mo dito Princeㅡeste Joshua??" Tanong ko. Yumuko ako ng bahagya at tinampal ang sarili kong bibig. Pangahas kang bibig ka! Hindi pwede yan!

Tinitigan kong mabuti ang mukha nya ng tanggalin na nya ang suot nyang shades. Sumandal sya sa kotse nya at pinaikot ang susi sa daliri nya. May iilang pabulong na tumili at may ilan din na pinipigilan ang sariling lapitan ang lalaking to. Na hindi naman gwapo.

Yung kotse nya lang talaga yung nagdala e.

Pinasadahan nya ng tingin ang suot ko. Parang biglang nanlamig ang buong sistema ko dahil sa titig nya sa suot ko. Ngumisi ito bago inabot ang kamay ko at hinila ako papunta sa passenger's seat at pinaupo doon. Nakita ko ang reaction ng iilang mga babae. May napanganga at kinilig dahil sa nangyari.

"Tekaㅡ!" Agad nyang sinara ang pintuan ng kotse. Nilock nya ang pintuan kaya hindi ako makalabas. Tumingin ako sa kanya na kinakausap na ngayon ang may masamang tingin sa kanya na si Zaila at ang mga nakangiting aso na sila Camielle, Ashley at Janna.

Hindi ko narinig ang sinasabi nila dahil sa bwiset na tinted na bintana ng kotse ng asungot. Pero batid ko sa sarili kong pinapaalam nya ako kay Zaila, dahil nakita kong pinasadahan nya ako ng tingin bago tinanguan si Joshua.

Pumasok na si Joshua sa loob kaya napairap na ako. "Ano bang kailangan mo??" Tanong ko ulit. Dahil hello!! Ang inyong dyosa ay hindi nakapag handa. Isang pyjama pants at printed stitch na sleeveless lang po ang suot ko. Ang ganda diba?? Ang ganda.

Still You #Wattys2018Where stories live. Discover now