SY: Chapter 40 - Fiancè

43 3 10
                                    

Denise' POV

"Anak naman. Hindi pa nga kayo kasal. Bibigyan nyo na agad kami ng apo??" Sabi ni papa. Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya saka pinasadahan ng tingin si Joshua na inaayos na ang sarili. Balik sa dati na naman ang mukha nito, poker face.

"Dad, ano ba yang isip mo??" Tanong ko saka lumabas na ng elevator. Nagsialisan na rin ang mha chismosa't-chismosang nakapaligid sa elevator. "Bakit ganun yung posisyon nyo kanina??" Tanong naman ni Mr. Stellanie sa anak nyang nakahalukipkip na ngayong nauunang maglakad.

Nakakahiya yung nangyari kanina. Promise. "Biglang tumigil yung elevator nung nakatayo na kami." Paliwanag nya saka umikot sa isang pasilyo. Ng makahanap sya ng mauupuan ay agad syang pumunta dun at nag cross legs in a manly way.

"Mukhang mapagkakasundo na natin ang mga anak natin pre." Rinig kong bulong ni Mr. Stellanie kay daddy. "Teka, teka. Ano yun?? Pwede po pakiulit?? Kasundo?? No. No freaking way." Sabi ko.

Napailing na lang si daddy sa sobrang dissapointment. "Kung wala na kayong sasabihing importante daddy ay aalis na ako." Wika ko saka naglakad na papunta sa staircase ng building. Narinig ko pa syang tinawag ako pero binalewala ko na lang yun.

I'm done with them.

Pagkapunta ko ng parking lot. Luminga ako sa paligid. Dun ko lang naalala na nasira nga pala ang kotse ni daddy at ngayon ay nasa gilid pa yun ng kalsada. I face palm.

"Ride??" Tiningnan ko si Joshua na nasa likuran ko na ngayon.

"Wanna have a ride with me??"

Bigla kong naalala si Joren sa kanya. "Your staring too much, Ms. Del Moral." Yumuko ako at tumalikod na rin. "Hindi na. Mag tataxi na lang ako." Sabi ko.

"Delikado na. Gabi na." Tumingin ako sa madilim na kalangitan. Ngayon ko lang ito napansin dahil sa sobra kong inis. Nilingon ko sya. "Inutos ba to sayo ng daddy ko??" Tanong ko ng pagalit.

He raised both of his hands. "Whoaa. Don't kill me with your glares Denise. I'm just offering you a free ride."

"Salamat na lang." Sabi ko saka na naglakad papalayo sa kanya. Pagkapunta ko sa gilid ng kalsada ay bigla na lang akong napaupo sa semento at napahagulhol.

Muntik na akong mahimatay kanina sa lecheng elevator na yun kung hindi lang ako niyakap ng mahigpit ni Joshua nun. Wala akong asthma o ano pero may phobia talaga ako sa elevator. Akala ko ok lang na sumakay doon base sa una kong gamit pero akala ko lang pala.

Camielle's POV

"Denise!" Napasigaw ako ng biglang bumagsak si Denise sa pintuan pa lang ng bahay. Agad kaming dinaluhan nila Zaila at Jay na binuhat si Denise sa sofa. Nilapat ni Zaila ang likod ng palad nya sa noo ni Denise.

Napansin nya ang luhang dumausdos pababa sa nakasarang mata ni Denise. "Ok lang ba sya??" Tanong ko ng huminga ng malalim si Zaila. Tumango sya sakin. "Ok naman sya. She probably ride the elevator again."

"Mabuti na lang." I said bago inayos ang unan sa uluhan ni Denise para hindi sya magka stift neck. "Aakyat na muna ako." Paalam ko bago naglakad paakyat.

"Ano yun??" Tanong ni Janna na pababa na ata. "Si Denise. She fainted a second ago." Sabi ko. Agad syang kumaripas bg takbo pababa. Hindi ko na sya napigilan dahil gusto ko naring magpahinga galing sa isang sigawan.

Umakyat ako sa double deck namin at agad na niyakap ang malambot na comforter ng higaan ko. "Mas masarap pa dito." Bulong ko.

*flashback*

"Hindi yun totoo!!" Sigaw nya sakin ng tanungin ko sya about sa sinabi ni Yaz. Napaatras ako sa ginawa nyang pagsigaw. Naalala ko lang ang away na naganap saamin ni Ashley kaya napatulo ang mga luha ko.

Still You #Wattys2018Where stories live. Discover now