SY: Chapter 46 - Mrs. Mendez

39 3 4
                                    

Ken's POV

Kanina pa ako nakatitig sa cellphone ko at hindi alam ang susunod na itatype sa keyboard nun. Nakatitig lang ako sa mga palitan namin ng mensahe kanina.

Kakauwi ko lang mula sa kanila. Umuwi ako ng maaga para makapag pahinga na sya. Nag backread na lang ulit ako para makapag recup kuno sa mga pinag-usapan namin.

To: Ashley

I'm done eating. Don't forget to eat yours.

From: Ashley

I'm done too. Nanonood na lang ako ng kdrama kasama sila Zaila. Anong ginagawa mo ngayon??

To: Ashley

Nanonood ng basketball match kasama sila Andy.

From: Ashley

Oh I see.

Ilang minuto na ang nakakalipas sa reply na to ni Ashley pero ni isang word ay wala pa akong maisip na ireply sa kanya. I want to start a new conversation with a new topic either. Pero wala akong maisip.

"Ok lang matunaw yang cellphone mo. Mayaman ka naman." Napapitlag ako dahil sa binulong ni Andy saakin. Binato ko sa kanya ang throw pillow na nasa ibabaw ko. "Dude! Ilang minuto ka nang nakatitig dyan, wala ka namang irereply, ibaba mo na nga yan." Aniya.

"Kaya nga. Araw natin tong magbabarkda. Hindi na nga dinala ni Andy si Alexandra dito e tas ikaw??" Binato ko ang joystick kay Khage.

"Palibhasa kasi mga wala kayong lovelife e." Binato saakin pabalik ni Khage ang joystick at napangisi na lang. Speechless. "Dito na nga muna kayo." Sambit ko saka pumunta sa labas ng bahay nila Joshua.

*flashback*

After ng sports wear ng Modelling department ay may binulong ang organizer sa emcee dahilan para mapatigil ito sa tangkang pagaannounce ng next na gagawin nang mga contestants. "And now, wala sana tayong intermission number para dire-diretso na ang contest but someone compiled me to do his intermission number. So let's give him around of applause. One of the prince of this school, Mr. Khage Mendez." Aniya

Mula sa backstage ay lumabas si Khage at umakyat sa entablado. The organizer prepeared him the high chair and the microphone. At dun sya pumwesto.

Bumati pa lang si Khage ay nagtilian at nag-iritan na ang mga babae. "Iba talaga ang kamandag ng isang Mendez." Papuri na lang ni Alexandra na nakasandal sa upuan nya. Hindi ko alam kung may problema ba sila ni Andy dahil nakaupo sa tabi ni Joshua si Andy.

"Kakanta po ako." Sabi nya dahilan para magkaroon ulit ng panibagong batch ng tilian ang buong program hall. Napailing na lang ako at napangisi.

You didn't failed girls to fall for you harder Khage.

Ng banggitin ko yun sa isip ko ay automatic na napatingin ako sa kabilang bahagi ng hall kung saan nakaupo sila Ashley. Mula sa kinauupuan ko. Nakita ko si Ashley na titig na titig kay Khage.

Nanuot ang sakit sa kalamnan ko ng makita ang scenariong yun. Sana someday ako naman yung nasa katayuan ni Khage. Hindi para tilian din ng marami. Kundi ang mahalin ng isang Ashelle Lee.

Tandang-tanda ko pa yung araw na nakilala ko sya sa library. Mag-isa sya noon. At medyo inis pa ako sa isang tulad nya. Dahil natatakot ako nung mga panahon na yun na baka maging kaibigan ko sya. Dahil kaibigan sya ni Khage.

Na isang clicheng istorya. Dahil nagkatotoo nga. I even volunteered myself as her rebound. Nung araw na sinundan ko sya sa labas ng hospital ang araw na nahulog ako sa kanya.

Still You #Wattys2018Where stories live. Discover now