SIXTY-FOUR

18 0 0
                                    

*REBEL'S POV*

"Sa tingin mo ba, dapat ko ng gisingin ang mga bata?"

"Tanghali na rin, at isa pa sabi ni General ay kagabi pa nyang tinatawagan si Niccolo. Nag-aalala na rin daw ang magulang ng nobya nya. Lingid pala sa kaalaman ng pamilya nila na umalis sila."

I heard them, and maybe I'm nosy because I want to listen.

"Naniniwala akong hindi sila nagtanan dahil maayos na pinalaki ni General ang mga apo nya. Disiplinado sila. Kahit ang nobya ni Niccolo ay halatang sopistikada at disente. Marahil ay galing din sya sa mayamang pamilya." Manang said.

"Gigisingin ba natin sila?" Manong asked.

I slowly opened my eyes and acted as if I just woke up. Nakatalikod kasi ako sa kanila at nakatalikod din ako kay Niccolo na nakayakap sa bewang ko.

"Oh hija, mabuti naman at gising ka na." Manang greeted. "Hindi na kayo nakakain ng agahan."

"Good morning po." I greeted, "S-sige po ako na po ang gigising kay Nicc."

"Ay sya mabuti pa nga. Bumaba nalang kayo para kumain." Manang said while smiling.

I smiled and nodded kahit pa nahihiya ako sa itsura ko. Sigurado akong maga ang mga mata ko.

They left the room and closed the door. I lied on the bed again and stared at the high ceiling. The scene of the revelation last night, played on my mind like video recorded. I wish I could just choose which memories to remember, and which to forget.

Nilingon ko si Niccolo. He's sleeping like a baby, he's more innocent now. Para syang walang muwang sa mundo.

"Kahit pa hindi ko lubusang maiparamdam sayo, gusto kong malaman mo na masaya akong nandito ka sa piling ko." I whispered at him then I planted a soft kiss on his temple.

I decided to get up and take a bath para naman paggising ko ay presentable akong tingnan sa harap ni Niccolo. As I looked in the mirror, tama nga ang hinala ko na maga ang mga mata ko. I hope this would be gone at least after I take a bath.

I took a quick bath and tried to wash all the negativity away. Napakalamig ng tubig pero para sa akin ay tama lang iyon, saktong pampagising. When I finished taking a bath, I wore the bathrobe and realized something, wala akong damit.

Maingat at tahimik akong lumabas ng kwarto, nakahinga pa ako ng maluwag ng makitang tulog parin si Niccolo. I locked our door in case lang na baka pumasok ulit yung dalawang nakatatanda na kasama namin. I tried to search through the cabinets and drawers pero puro damit ng matanda ang nandito, siguro ay kwarto ito ni General at ni Dean kapag nagbabakasyon sila dito. I can't wear these, dahil kay Cherby ako hihiram ng damit. Kahit pa sabihing wala sila dito at wala akong choice, nakakahiya parin.

Napalingon ako sa likod ko at nakita si Niccolo. Kanina lang, sobrang ingat ko na wag syang magising, hindi ko akalaing kakailanganin ko pala syang gisingin upang magpakuha ng damit. I walked towards him and took a deep breath. I even fixed the bathrobe I'm wearing. I sat beside him and hesitantly touched his cheek. He jolted and opened his left eye a little bit, nagulat yata sa lamig ng kamay ko.

"Hmm..." then he closed his eyes again.

"Good morning." I whispered.

Napatitig ako sa kanya ng bigla syang ngumiti. Hindi sya sumagot, instead he pulled me into a hug kaya naman nakadagan na ako sa dibdib nya.

"Good morning, Hon." he whispered, "Ang aga mo ah?"

"Tsh anong maaga? Tanghali na kaya." sagot ko then I chuckled lightly. "Bangon ka na dyaan, kailangan ko ng tulong mo."

Hey, Rebel SEASON ONE COMPLETED [The MUERTE Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon