THIRTY-FIVE

21 1 0
                                    

*REBEL'S POV*

They were supposed to stay for another two days, kaso Rictor had an urgent situation going on with his manager back in Paris. Nagalit yata sa kanya kasi he accepted modeling a big brand here ng walang proper agreement.

The next morning we received a call, parehas pa kaming nagising dahil doon. Narinig ko yung pag-uusap nila at kung paano nya pinaliwanag na sa amin iyon at fiance na nya ako. I know Gilbert and he knows me too. He even congratulated us but that would not be an excuse para daw di na sya magalit.

Parehas daw kasi silang malilintikan sa agency kapag nalaman na tumanggap si Rictor ng trabaho without consent. That same day, bandang hapon, he had to leave. Actually, they both had to leave. Sumabay na kasi si Roe sa kuya nya since natatakot daw syang bumiyahe ng ganun katagal mag-isa. People keep on staring at her daw. Ganda kasi.

Hinatid namin sila sa Manila at kasama pa ang mga kaibigan ko kaya naman naka-van kami. Wala namang bago, maloko parin sila. Except Nicc who got way too quiet. Tahimik sya, pero iba ngayon. Mas tahimik. Hindi ko naman akalaing may itatahimik pa pala sya.

"Drive thru drive thru drive thru." Cherby lowly chanted kaya naman natawa kami. I asked Anthony to go on a drive thru.

They ordered food and Rictor paid for it. Libre na daw nya since paalis na sya at hindi naman nya sure kung kailan sya babalik.

Naging matagal ang biyahe dahil sa traffic kaya naubos na namin ang pagkain ay hindi parin kami nakakarating sa airport.

"Roe?" Rictor called.

"What?"

"Why are you so quiet?"

"Because."

Natawa naman ako. Kakaiba talagang mag-usap ang magkapatid na to.

"It was your choice to leave early as well. Don't regret it." sabi ni Alex pero mukhang nagulat din sya sa sinabi nya.

Tumingin sa kanya si Roe at tumaas ang kilay nito. She began speaking French and, well all in all, she said that she doesn't like boys who talk too much especially when they shouldn't.

Gumanti naman si Alex by speaking in tagalog.

"Alam mo maganda ka sana kaso daig mo pa matandang dalaga kung magsungit! Kahit bayaran ako hindi ako papayag na maging photographer mo! Kahit pa si Lolo Gideon magsabi!" sigaw din ni Alex.

Ever since ipakilala ko sila sa isa't-isa last night, hindi na talaga sila nag-usap ng matino. Doon kasi sa amin natulog ang mga ito since nalasing sila. Ang hindi lang yata lasing ay yung kambal dahil hindi naman umiinom si Cherby, habang si Nicc parang hindi naman tinatamaan sa alak.

Pagka-escort nila Fidel kanila Mami pauwi ay nagpadala na rin si Mami ng damit ng mga ito, kaya naman wala ng naging problema. Pare-parehas pa kaming natulog sa sala.

I recall Alex being drunk and he kept calling Roe 'pretty', kaso biglang deny pagkagising kaya nabwisit si Roe. Hanggang ngayon hindi na sila nagkasundo.

"Quit fighting you two. This might be the last time you would see each other yet you're quarreling. Nice memory to look back on to." pag-awat ko sa kanila. Natahimik naman silang parehas dahil doon.

Nakarating kami sa airport at naglabasan na ang lahat. Lalakad na kami papunta sa departure ng mapahinto kami dahil nagtalo pa yung kambal. Pinipilit kasi ni Cherby na sumama si Nicc, kaso ayaw naman nyang sumama dahil masakit daw ang ulo. Sabi nya, sasamahan nalang daw nya si Fidel sa van since kasama namin si Anthony.

Hindi na ako nagsalita o kumontra, hinayaan ko nalang sya na gawin ang gusto nya. Ang end point naman ay wala paring nakakapilit sa kanya kapag ayaw nya talaga.

Hey, Rebel SEASON ONE COMPLETED [The MUERTE Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon