FORTY-EIGHT

8 1 0
                                    

"You have to go to school." Dadi firmly said saka nya ibinaba ang mug ng kape nya. Hindi na sya lumingon sa amin. Tumayo sya kaagad habang bitbit ang dyaryo nya saka humalik sa ulo ni Mami at umalis.

He's been very busy these past few days, and we're honestly clueless kung anong pinagkakabusy-han nya. Although I know we do not have the rights to question him.

"You heard your Grandfather. No more skipping school today. You have been absent since Niccolo got confined. Wala naman kayong bali sa katawan like him, you must go to school." Mami said while looking at us.

"P-pero Mami." pagdadahilan ni Cherby.

"Cherby? Kailan ka pang nagdahilan para lang hindi makapasok?" nakakasindak na tanong ni Mami kaya natameme kaming lahat. "Ano nalang ang sasabihin ng mga professors at ng dean ninyo? Na ako mismong former dean ay kinukumbinsi ang mga apo ko sa pagliban sa klase ng humigit sa tatlong araw para sa walang kapararakang dahilan?!"

"H-hindi po." Cherby answered habang nakayuko. Nako sensitibo pa naman ito. Masigawan lang ng bahagya, maiiyak na.

"I don't want you to miss any class for the rest of the year! Hindi nyo ba naisip na sembreak nyo na next week!?" sermon nya ulit.

Nagkatinginan kami ng mga pinsan ko. That means one thing. Wala ni isa sa amin ang nakapansin noon. Magno-November na at mabilis ng masyado ang panahon. Bukas makalawa lang ay birthday na ng kambal.

"Sorry Mami." malungkot na sagot ni Cherby habang nalulukot ang mukha na naluluha.

We heard Mami sigh, "Sige na baka malate kayo. Ikaw naman Niccolo, bawal kang lumabas ng bahay."

"A-aalis ka Mami?" Nicc asked.

"Oo dahil final visitation ko sa schools natin bago ang sembreak. Hindi ako magtatagal. Ipagluluto na kita ng tanghalian mo, paniguradong bago pa maghapunan ay nandito na ako. Maraming pagkain sa ref--" then she looked at us suspiciously. "At sigurado akong hindi nyo pa nauubos ang mga pinamili nyo kahapon."

"P-pero Mami paano po kung biglang kailanganin ko ng tulong?"

"Wag kang mag-alala uuwi din naman agad ako. Hanggang 11:30 lang ang klase ko. Magkulong ka muna as kwarto, pagbaba mo nakabalik na ako." sagot ni Cherby sa kanya.

"Sige na, pumasok na kayo at baka mahuli kayo." Mami said saka tumayo. Pumila naman kami at isa-isang nagmano sa kanya.

Dumiretso ako sa kotse ko at nagmamadaling magmaneho papunta sa school. Gusto ko kasing malaman kung namamalikmata lang ba kami kagabi o hindi. Kasi kung papasok sya ngayon, ibig sabihin ay sya yung nakita namin kahapon.

Pagkababa ko ng kotse ko ay bumuntot kaagad ako kay Cherby na sinasamaan ako ng tingin. I even gestured for my cousins to follow me.

"What are you doing? Ang aga aga inaasar mo si Cheruby." Alex hissed.

"I-ihahatid lang natin." sagot ko saka binigyan ng makahulugang tingin si Renz na tumango.

Binagalan ko ang lakad ko at hinawakan sa braso si Renz kaya naman bumagal din ang lakad nya at nauna na si Alex.

"Anong pinaplano mo?" he asked.

"Hindi tayo sisilip kasi mahahalata tayo ni Rebel." sagot ko.

"Bobo paano natin malalaman na nandyan sya?" he asked.

"Paano nga ba? Edi babatiin sya nung dalawa. Imposibleng hindi." sagot ko saka naglakad muli ng matulin. Pagkaabot sa pinto ay nagtago kami sa gilid ng pader at nag-abang.

3...

2...

1...

Puta bakit wala?

Hey, Rebel SEASON ONE COMPLETED [The MUERTE Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon