FORTY-SEVEN

11 1 0
                                    

*REBEL'S POV*

"You have to go to school tomorrow. You must keep an eye on the subject." Senyor Muerte said habang nakatalikod sa akin.

Pagkapasok palang namin sa opisina nya, yun na kaagad ang pambungad nya. Malakas ang pakiramdam nya kaya alam nya kaagad na may dumating kahit pa walang kaingay-ingay kaming pumasok.

Loko kasi sila Marcus. Sinabi nila na kahit daw metro metrong layo, mararamdaman daw ni Senyor ang presensya namin kahit nakatalikod pa sya. Nung una ay hindi talaga ako naniwala dahil, I honestly never met someone who has that kind of skill. Kaya naman naisipan nilang patunayan iyon sa akin.

I'm honestly impressed. I would be more than willing to train hanggang sa maging ganoon na din ako. That would be awesome.

"Copy po S-sir." sagot ko.

"Call me-- Senyor." sagot.

"S-sorry po. Opo Senyor." sagot ko.

Hindi na sya nagsalitang muli so I figured, maybe I should keep talking?

"A-ah Senyor, maraming salamat po sa regalo." dagdag ko.

He slowly turned his chair at tiningnan ako sa mismong mga mata ako. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko magawang tumingin sa mga mata nya. Maging sila Kuya at Marcus ay todo makaiwas.

"Walang anuman." sagot ni Senyor kaya mabilis akong napasulyap sa kanya bago umiwas ulit at nagbow. "Tumingin kayo sa akin kapag kinakausap kayo." dagdag nya.

Ramdam kong pare-parehas kaming nagulat at kinabahan dahil maging si Marcus na matagal ng Muerte at umangat ang balikat sa gulat.

"Isa." pagbibilang ni Senyor.

NAKAKA-INTIMIDATE KA PO.

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at nagtama ang paningin namin. Nakataas ang isang kilay nya pero hindi naman masama ang tingin nya sa akin.

"E-eh hehehehe." naiilang na tawa ko. Bahagya kong nilingon si Marcus na nakatingin kay Senyor pero kita ang kaba sa mukha nya.

Si Kuya naman ay nangangatog ang labi.

"Am I really-- THAT scary for you?" Kuya asked.

"S-Senyor kasama po sa rules--" Marcus tried to answer.

"Marcus you've been here so almost 15 years." Senyor said.

"Y-yes Senyor. Pero hindi ko p-po kayang tumingin sa inyo dahil po sa matinding paggalang ko sa inyo." sagot ni Marcus na mukhang nakatingin sa mata ni Senyor pero sa tingin ko ay sa noo sya nakatingin.

Narinig namin ang pagbuntong hininga ni Senyor. "Ayokong matakot sa akin ang apo ko kapag nagkita kami." bulong niya pero narinig ko iyon.

Biglang nagbago ang paningin ko sa kanya. Bigla syang naging mabait na Lolo na normal lang at para bang hindi gagawa ng kahit ano upang makapanakit ng kapwa nya. Bahagyang napakunot ang noo ko at in-examine ang itsura nya maging ang tindig nya sa pagkakaupo nya. Kaso ay biglang syang tumingin sa akin na ikinagulat ko.

He cleared his throat and sat properly. "Sige na. Lumayas kayo sa harapan ko." biglang istrikto nyang utos sa amin.

I get it. I get it. He's just being mysterious and mean para katakutan at respetuhin sya. I doubt he's a mean person. I actually think he's very nice.

"Yes, Senyor. Thank you, Senyor." sagot ni Kuya saka hinawakan ang braso ko at inakay ako palabas ng office hanggang sa elevator.

Napabuntong hininga ako at napailing. "Ibig sabihin ba nito, wala akong training?"

Hey, Rebel SEASON ONE COMPLETED [The MUERTE Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon