FORTY-FOUR

16 1 0
                                    

Hinatid muna nila ako sa kwarto ko upang makapagpalit daw ng damit dahil nakahospital gown pa ako. Para silang excited na hindi mo maintindihan, hindi kasi maalis ang ngiti sa pisngi nila. It bothers me so much kaso di ko naman sila magawang kuwestiyunin. Just because I'm sad, does not mean I have the rights to question why everyone else is happy. In fact, I should ask myself why I let sadness get the best of me.

Come to think of it, walang nagbago sa itsura ng kwarto ko. I was expecting na papakealaman na ni Cassandra yung kwarto ko at gagawin nyang imbakan or something, gladly she didn't. I walked towards my walk-in closet at binuksan iyon. I was expecting na among baul na yung loob dahil sa tagal ng panahon, pero ng amuyin ko yung mga damit ko, it all smelled clean. Parang kakapalaundry lang.

"At least some things didn't change." bulong ko sa sarili ko.

Agad akong nagbihis at maya-maya pa ay narinig ko na ang katok sa pintuan ko.

"Coming." sagot ko saka tumingin sa salamin at bumuntong hininga. "Here we go."

Dumiretso ako sa pinto at lumabas. Napakunot ang noo ko ng makita ng kasambahay pala ang sumundo sa akin.

"G-good evening po Ma'am." bati nya.

"Good evening." sagot ko then I nodded. "A-ah si Y-yaya Berta?" tanong ko. Buhat kasi ng umalis ako ay hindi ko na sila nakita o nakausap manlang. Hindi naging maganda ang huli naming pagsasama. I felt bad that we had to part with that situation. I should've understood their situation na baka naiipit lang din sila between me and Cassandra dati.

"S-sino po iyon Ate?" tanong nya. "P-pasensya na po kasi magi-isang taon palang po ako d-dito." natatakot at naiilang nyang sagot.

"Ibig sabihin wala na dito sila Yaya?" bulong ko sa sarili ko.

"P-po?"

"A-ah wala. Tara na sa baba para makakain na tayo." sagot ko saka nagpauna na bumaba ng hagdan at dumiretso sa kusina.

"Princess." Daddy greeted me as soon as he saw me. Tumayo sya at ipinaghatak ako ng upuan para makaupo, habang si Kuya naman ay nasa harap ko.

Napngiti ako ng bahagya then I looked at our long table. I can't help but sigh. Mahaba nga ang mesa pero tatatlo lang kaming kakain. Si Daddy sa gitna at kami ni Kuya sa magkabilang gilid nya.

"What are you waiting for? Kain na." Daddy said while smiling at me.

I simply nodded and was about to get my foods ng biglang pagtuwangan nila ni Kuya ang paglagay ng pagkain sa plato ko. Napangiti ako at napatingin sa pagkain ng mapansin ko na wala pa pala kaming tubig since juice lang ang nakahain. Eh diba nga panay kape lang ako? Nakakahiyang humingi ng iced coffee kaya naman magkukusa nalang akong kumuha ng tubig namin.

I stood up and was about to take a step biglang hawakan ni Daddy ang siko ko para pigilan ako.

"San ka pupunta?" he asked.

"Kukuha lang ng tubig." sagot ko.

"W-wag na ipapakuha ko nalang--"

"I'll be right back." I insisted saka nagpatuloy na maglakad ng bitawan nya ako.

Dumiretso ako sa ref at biglang nakaramdam ng hiya na mangengealam ako ng ref ng may ref. I was hesitant at first pero nagawa kong buksan ang two-door fridge na iyon.

Kumuha ako ng isang pitsel ng tubig at sinara ang pinto. Umikot pa ako upang kumuha ng extra na baso pero hindi inaasahang tatama ang paningin ko sa babaeng hindi ko pa kayang karapin.

"R-rebel." she said. Ibinaba nya ang utensils nya at tumayo, she awkwardly walked towards me kahit pa hindi sya makatingin ng diretso sa akin. "Kailangan mo ng water?" she asked.

Hey, Rebel SEASON ONE COMPLETED [The MUERTE Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon