Ang akala ko'y mananatili pa si Walter ngunit pagkatapos tanguan si Rojan ay nilingon niya ako para magpaalam.

"Mauuna na ako," paalam niya sa'kin. "I still have work to do at home."

Napakunot ang aking noo. Kanina lang ay wala pa siyang balak umalis at hindi sumabay kay Drew ngunit ngayon na dumating si Rojan ay mayroon na pala siyang gagawin. But of course, I know that's not the real reason. He just didn't want to be in the same place with Rojan.

"Uh... sige," sabi ko na lang dahil mukhang kahit sabihin ko sa kanya na manatili ay walang makakapigil sa kanya.

He just couldn't be civil with Rojan.

"Excuse me," he excused himself and didn't even glance at Rojan when he walked to the door.

"Mag-ingat ka pauwi!" pahabol ko sa kanya bago pa siya tuluyang makalabas ng aking unit.

Medyo mabigat ang pagbagsak niya sa pintuan ng aking unit. Napakagat ako sa aking ibabang labi dahil sa inasal ng kaibigan. Mukhang wala talaga siyang balak na itago ang pag-ayaw niya kay Rojan.

"Uh... Pasensya ka na kay Walter. Ganoon lang talaga 'yon," paghingi ko ng paumanhin kay Rojan nang muli ko siyang hinarap. "And he's in a bad mood. Kanina pa siya ganoon."

Inayos ni Rojan ang pagkakahawak niya sa cake at saka umiling. "Naiintindihan ko..." sabi niya. "Kahit noon pa man ay ganyan na siya sa akin. He's just more civil to me before because we were... uhm... in a relationship."

Punong-puno ng pag-aalangan ang boses ni Rojan. I had to admit that our atmosphere suddenly got awkward because of it. Ang madinig mula sa kanya ang pagkakaroon namin ng relasyon noon ay nakakailang para sa akin. It made my mind unconsciously do a quick flashbacks of our relationship.

Panigurado akong namumula na ngayon ang aking pisngi dahil sa pagkailang at pagkahiya. Hindi ko tuloy alam ngayon kung ano ang sasabihin ko pero alam kong kailangan kong magsalita kahit papaano.

"Oo nga..." napapaos kong sabi at saka naisip na ibahin na ang topic namin. "Punta na tayo sa kusina para makakain ka na."

Hindi ko na siya hinintay pang makasagot. Agad akong dumiretso patungo sa kusina at naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin.

"Akin na 'yong cake para maihanda ko at makain mo rin," paghingi ko sa kanya no'ng dala niyang cake. "Kumain ka na riyan."

Ipinatong ko muna sa may countertop ang box para kuhanin ang cake slicer at ang mga platito. Kumuha rin ako ng parte ko dahil gusto kong matikman ang dala niyang cake.

"You won't eat?" he asked me while I was busy preparing the cake.

Umiling ko at saka ipinasok ulit ang cake sa loob ng box para ilagay sa loob ng ref. "Kumain na ako kanina. Itong cake na dala mo na lang ang kakainin ko."

Lumapit ako muli sa lamesa para ihain ang cake. Umupo ako sa tapat ni Rojan na nagsisimula nang kumain. Medyo marami-rami ang kinuha niya. Siguro ay nagutom siya sa biyahe. Mukhang nagmadali pa siya sa pagmamaneho.

Habang pinapanood ko siyang kumportableng kumakain sa aking hapagkainan ay hindi ko maiwasang maalala ang mga panahong lagi siyang bumibisita sa apartment noon at sabay kaming kumakain. Minsan nagluluto ako pero madalas ay nagdadala siya ng pagkain.

It's really hard to escape from these memories because they're engraved on our minds, especially if those memories are important to us. The more you try to stop thinking about it, the more it will haunt you.

May makikita o madidinig ka lang na pwedeng magpaalala sa atin ay babaha na ng mga alaala ang isipan. It sucked that I couldn't completely forget of the things that I didn't want to remember, but I needed to accept it because it's already a part of me. Ang mga alaala na 'yon ang bumubuo sa aking pagkatao.

Lethal AttachmentWhere stories live. Discover now