#LethalAttachmentWP
Chapter 30
Trespassing
My heart was pounding so wild that it actually hurt already. Rojan's words made it lose control.
"Hmm... I see," Charity said after a while. "Well, I should be going now. I need to finalize some things for my upcoming exhibit. I just came here to give you the invitation. Ask Tita Bella and Tito Vini to come as well, okay?"
"No problem. We'll be there," Rojan assured her.
"Okay. See you around," she said.
Nanlaki ang aking mga mata nang maisip na nandito pa rin ako sa pintuan. Dali-dali akong lumayo habang binabalanse ang tray kung nasaan ang juice. Nang tama na ang layo na aking nilakad ay saka akong nagkunwaring papunta pa lamang sa opisina at sakto namang kalalabas lang ni Charity roon.
She stopped when she saw me and our eyes met. She looked like she had so many things to say, but she chose to just smile at me and continued to gracefully march her way out.
Napabuntong hininga ako at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Ngayon ay maayos na ang pagkakasara ng pintuan kaya binalanse ko nang maigi ang tray na hawak para magamit ang isang kamay pagbukas ng pintuan.
Ang tanga mo naman kasi, Kriesha! Ang sabi ni Rojan ay isang baso nga lang tapos may dala ka pang pitsel! Pero paano naman kasi kung nauhaw pa siya at kulang pa sa kanya ang isang baso, 'di ba?
Before I could even touch the handle, a slender and soft-looking hand held it for me.
Napaangat ako ng tingin at nakitang bumalik si Charity. Nakangiti siya sa akin at kita kong may lungkot sa kanyang mga mata.
"I'm sorry about yesterday..." she apologized for something she shouldn't have.
Maagap akong umiling. "Ayos lang," sabi ko sa kanya dahil tama naman ang mga sinabi niya sa akin.
Everything that she said was an eye-opener for me to do better. I had no hard feelings for her, and I also know that she's just concerned about Rojan's reputation. Kung ano man ang kapalpakan kong gawin bilang sekretarya ni Rojan, paniguradong damay ang kanyang pangalan.
She also shook her head lightly. "I maybe a little too harsh on you..." she tried to reflect on her own actions. "I was just really having a busy day that's why my mood was slightly off. Pasensya na ulit."
"Hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob," sabi ko. "Naiintindihan ko ang gusto mong iparating sa akin. Kung mayroon man akong dapat sabihin ngayon sa'yo, iyon ay gusto kong magpasalamat."
"No worries," she said. "I just said what I had to say yesterday. Well, then..."
Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan para sa akin. She's still smiling at me, but I could see in her eyes that she's feeling kinda down.
"Pumasok ka na. He must be waiting for that." Tinuro niya ang dala-dala kong inumin.
"Ah... Maraming salamat," pagpapasalamat ko sa kanya.
She nodded before releasing the handle from her hold. Muli siyang tahimik na nagpaalam sa akin bago tuluyang umalis. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nakaliko na siya.
Charity's really a kind woman. She's beautiful inside and out. Hindi ko masisisi si Rojan kung sakaling gusto nga niya ito dahil kagusto-gusto naman talaga siya. She's also on the same league as him. There'll be no other complications. Pero kung hindi niya gusto si Charity, talagang mapapaisip ako kung bakit hindi kung halos nasa kanya na ang lahat. If there's no such thing as perfection then, she's next to perfect.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Lethal Attachment
Любовные романы[ARDENT SERIES #3} I loved him but being with him was very lethal. It may not kill me physically, but it was killing me emotionally. Our relationship was a lethal attachment. And so, I detached myself from him to keep on living.
