#LethalAttachmentWP
Chapter 4
Coffee
I looked at the side mirror as Walter drove the car away as soon as he got inside and settled down. Rojan was still standing in the same position and staring at the side mirror like he was looking back at me through it. Hanggang sa nakaliko na ang sasakyan ay kita kong nanatili pa rin ang kanyang panonood sa aming pag-alis.
I bit my lower lip before I faced front. I let out a deep sigh to exhale the heavy feeling inside me. This was only my first day at work, but it felt like I've been working nonstop for more than three days already.
"Kriesha..."
Humilig ako sa backrest ng upuan at saka ipinikit ang aking mga mata. "Magpapahinga lang ako saglit. Gisingin mo na lang ako kapag nasa apartment ko na tayo."
Hindi naman na ako pinigilan at ginulo pa ni Walter. Napabuntong hininga na lamang siya at medyo binilisan ang patakbo sa kanyang sasakyan.
Pinilit ko ang aking sarili na makatulog kahit papaano sa sandaling byahe ngunit hindi ako nagtagumpay. Masyadong ginugulo ng makabuluhang pangyayari ngayon ang aking isipan. Paniguradong mahihirapan din ako sa pagtulog mamaya, pero sana ay hindi naman.
Nang naramdaman kong unti-unting huminto ang sasakyan at pinatay ni Walter ang makina ay nanatili pa rin akong nakapikit at kunwari'y natutulog. I felt him moved closer to me and fixed my hair that's almost covering my face. Isang malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan ni Walter bago ko siya naramdamang lumayo sa akin.
"Kriesha," he called me and lightly tapped my cheek two times. "Nandito na tayo. Gumising ka na."
In a very natural way, I acted like I came from a nap by slowly opening my eyes and rubbing them with my hand. I even yawned before turning to look at him and glancing at the apartment outside the car.
"Salamat sa paghatid," simpleng pasasalamat ko sa kanya at saka agad na lumabas ng sasakyan.
Hindi pa ako tuluyang nakalalabas ng sasakyan ay narinig kong mas nauna pa siyang lumabas. Nang tuluyang akong nakababa ay nakarating na siya sa aking harapan. Hindi ko mabasa ang ekspresyon na pinapakita niya ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit pa siya bumaba ng kanyang sasakyan.
"Makiki-ihi ka ba?" tanong ko sa kanya dahil maaaring iyon ang dahilan.
"Gusto kitang makausap ng maayos," seryosong sabi niya sa akin.
Itinikom ko ang aking bibig dahil mukhang alam ko kung ano ang gusto niyang pag-usapan naming dalawa. Malas niya nga lang dahil ayaw ko nang pag-usapan pa iyon. Kailangan ko na siyang pauwiin ngayon. Alam kong kahit mapaalis ko siya ay hindi niya makakalimutan ang mga katanungan sa isipan niya pero ang mahalaga ay mas maayos na ako. Not now that I could feel my vulnerability peeking out.
"Hindi ba puwedeng sa susunod na lang, Walter?" pakunwaring inaantok kong tanong sa kanya. "Inaantok na ako. Maaga pa akong kailangang pumasok sa trabaho bukas."
Ang kanyang nakatitig sa akin ay tila nanantiya. Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang umarteng humihikab at inaantok gayong kinakabahan ako sa kanyang tingin. Ang huling beses ko siyang nakitang ganyan ang pinapakitang ekspresyon sa akin ay noong nalaman niyang sinagot ko na si Rojan noon. He confronted me before about Rojan and got mad when he knew that I was hiding the fact that Rojan's courting me before.
"Sige na. Umuwi ka na. Ingat ka!" sabi ko na lang at nagpaalam na sa kanya.
I turned my back on him to walk inside my apartment. But just when I was about to escape from the confrontation, he held my arm and stopped me from doing so. Mabilis niya akong hinarap sa kanya at muntik pa akong masubsob kaya agad ko siyang itinulak papalayo sa akin.
YOU ARE READING
Lethal Attachment
Romance[ARDENT SERIES #3} I loved him but being with him was very lethal. It may not kill me physically, but it was killing me emotionally. Our relationship was a lethal attachment. And so, I detached myself from him to keep on living.
