#LethalAttachmentWP
Chapter 10
Number
"Hindi ko siya maintindihan, Emma..." problemado kong paglalabas ng saluobin sa kaibigan.
Ibinagsak ko ang aking sarili sa kanyang tabi sa upuan at saka ipinahinga ang ulo sa kanyang balikat. Bumuntong hininga siya bago itinabi ang gamit na laptop sa coffee table upang magkausap kami ng maayos.
"Last sem, bago siya naging mailap sa akin ay siya mismo ang lumalapit sa akin. He even volunteered to drive me home! Pero pagkatapos no'n ay hindi na niya ako muling pinansin..." napanguso ako at mas lalong bumigat ang aking pakiramdam habang inaalala ang pagiging malapit niya sa akin. "Ngayon, kaklase ko siya sa isa sa mga subjects namin this sem. He still wouldn't talk to me. Nagkatinginan lang kami. Ayon lang."
Muli siyang nagpakawala ng malalim na hininga. Bago bahagyang lumayo sa akin upang maharap ako ng maayos.
"Don't you think you're putting too much meaning on his words and actions, Kriesh?" Emma asked me a very straightforward question. "Alam mo... Iyan ang iniiwasan ko ngayon. Sometimes, we tend to misinterpret someone that can cause us to assume something, especially if that someone is a person we really like."
Hindi ako makakibo dahil alam ko ang pinanggagalingan niya. She's been hurt so badly when she assumed that she finally had a chance with Drew who just turned down her confession and declared his love for someone else who's also our very close friend.
"Just let him be," she continued. "If he'll approach you again, be civil and casual. Do not act like you've been waiting for him to make his move again. Gaya nga ng sabi nila, don't assume unless otherwise stated."
Back in my mind, I kept on storing inside my head every advice that Emma was giving me. Her words felt very essential to control what I was feeling.
"Don't make the same mistakes I did, Kriesh. Sobrang sakit at ayaw kong maranasan mo 'yon," nag-aalalang sabi niya sa akin. "Kahit na sabihin mong walang namamagitan sa inyong dalawa, iba pa rin ang punyal ng sakit na tatama sa'yo. Masuwerte ka pa nga dahil hindi pa ganoon kalalim ang nararamdaman mo sa kanya. The pain might be lesser than what I felt, but pain is pain."
Dala-dala ko ang mga salitang pinabaon sa akin ni Emma habang dahan-dahan akong naglalakad papasok sa aming silid. I was more confident than I was last time, even though I already knew whom I might see the moment I went inside. Ngunit bago ako tuluyang pumasok sa loob ay huminto muna ako upang masiguradong gamay ko ang aking nararamdaman.
I deeply breathed in and out for a few times to calm my heart and whispered to my self. "Kaya mo 'yan, Kriesha! Ikaw pa ba? Just do what you keep on practicing last night. Wala lang 'yan—"
"Okay ka lang ba?"
I jumped out of surprised and turned around with my eyes wide open. I was welcomed by Rojan who seemed also surprised with my sudden action. Napaatras pa ako ng dalawang beses upang makalayo sa kanya dahil sobrang lapit lamang namin sa isa't isa.
"Ah... Uh... R-Rojan..." nauutal kong pagsambit sa kanyang pangalan nang dahil sa gulat.
Parang kagabi lang ay pinag-uusapan namin ni Emma na kapag kinausap at lumapit muli sa akin si Rojan ay dapat kalmado lamang ako pero kabaliktaran no'n ang nangyari, pero mayroon naman akong rason. Nagulat ako sa kanyang biglang pagsulpot! At saka, sino rin ba ang mag-aakala na talagang makakausap ko ulit siya?
"I'm sorry," maagap niyang sabi. "I didn't mean to startle you."
"O-Okay lang," sabi ko na lang at gusto kong sapakin ang sarili dahil sa aking pagkautal.
YOU ARE READING
Lethal Attachment
Romance[ARDENT SERIES #3} I loved him but being with him was very lethal. It may not kill me physically, but it was killing me emotionally. Our relationship was a lethal attachment. And so, I detached myself from him to keep on living.
