Chapter 34

83.5K 2.5K 132
                                    

#LethalAttachmentWP

Chapter 34
Time

"Thank you very much for trusting our firm with this project, Mr. Sarmiento," the head of a very famous architectural firm was wearing a big smile after signing the contract with Rojan. "I assure you that we will do our best."

Tipid na tumango si Rojan. He really looked intimidating. I saluted the head of the firm for not pissing on his pants, while staring straight in Rojan's nerve-racking eyes. Kahit head ng isang pinakasikat na firm ay kaya niyang patiklupin.

"Of course, you should," Rojan seriously said without any hint of compassion and mercy. "I'll be expecting the designs next month. Remember that I will need three unique designs to choose from for this building."

"No problem, Mr. Sarmiento."

Pagdating sa negosyo ay talagang hindi mo makikitang nagbibiro si Rojan. Lahat ng atensyon niya ay nakalaan para rito. He likes intimidating people. Mas gusto niyang natatakot sa kanya ang kanyang mga empleyado para mas umayos sila at magseryoso sa kanilang mga gawain.

The moment Rojan turned to look at me, his features got softer and the serious look on his could not be located anymore. Kung gaano karahas ang tingin niya sa lalaking ka-meeting namin ay kabaliktaran noon ang ipinapakita niya sa akin.

"You done eating already?" he asked me while his eyes quickly scanned my plate.

May natira pa akong pasta sa aking plato dahil tinigil ko ang pagkain kanina para makinig ng maayos sa kanila. I've been eating a lot these past few days because Rojan would always ask me to eat lunch with him while we were both busy for his upcoming project. Hindi naman ako nagrereklamo pero mukhang kailangan ko nang bantayan ang timbang ko.

"Ayos na ako..." sabi ko at uminom na lang ng juice.

Bahagya siyang nagtaas ng kilay na tila parang hindi naniniwala sa akin. "Are you sure?"

"Oo nga!" giit ko.

"Okay, then..." He smiled at me before looking back at the man in front of us who looked kinda shock as he stared at me and Rojan. "We'll go ahead. Thank you for your time."

Mabilis na natauhan ang lalaki at ngumiti saka umiling. "Walang problema, Mr. Sarmiento and uhm... Ms. Flamiano."

He looked so hesitant as he smiled at me. Nginitian ko na lang siya pabalik na hindi magawa ni Rojan. Kawawa naman siya at baka matrauma sa sobrang sungit ni Rojan.

"Kriesha, let's go."

Mabilis akong sumunod kay Rojan na hinintay akong makalapit sa kanya bago nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating sa kanyang sasakyan ay pinagbuksan niya ako ng pintuan bago pumasok sa driver's seat.

Ever since we got back from Sydney, Rojan and I became closer to each other. It's like we traveled back time to when we were still in college and not yet committed in a relationship. I could still remember how he treated me so special, but the label we had before was only friends.

Iyon 'yong mga panahon na takot na takot pa akong tuluyang mahulog sa kanya at ingat na ingat ako sa pagbabasa ng kanyang mga kilos na mas lalong nagtutulak sa akin upang tuluyang mahulog. Now, we're back to square one. It's like we're starting over again.

I didn't know if it's a good thing though. 'Cause if we're back to square one, it only means that Charity's already way ahead of me.

"Bukas ka na ba talaga magsisimulang maglipat sa condo mo?" Rojan asked me as soon as he started to put the car in motion.

Bahagya akong napanguso at saka tumango. Nakaayos na ang mga gamit ko na nagkasya sa tatlong balikbayan box. Nakapag-arkila na rin ako ng pick-up na tutulong sa akin sa paglilipat ng aking mga gamit. Everything's settled!

Lethal AttachmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon