#LethalAttachmentWP
Chapter 28
Sleepy
"Sigurado ka bang kaya mong magmaneho?" nag-aalala kong tanong kay Rojan.
We just reached the basement where his extravagant car was parked. Hindi na niya ito pinakuha sa valet.
Medyo mataas pa rin ang lagnat niya. Maybe he still needs to rest overnight. Alam kong hindi rin siya kumportable sa pwesto niya kanina sa couch. Mabuti na lang at pinagpawisan siya kahit papaano kanina. Kailangan niya ring maglinis ng katawan pagkauwi para mas guminhawa ang pakiramdam niya.
"I can still drive..." he assured me.
Pinatunog niya ang kanyang sasakyan. At umikot patungo sa driver's seat.
Kinagat ko ang aking ibabang labi. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag-alala para sa kanya. Not just because I felt guilty, but also because I wanted to take care of him.
"Thank you for taking care of me," he said and smiled. "Can I drive you home to repay you?"
Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Kita ko ang kanyang pagkagulat nang hindi ako tumanggi at tahimik akong nauna na sa pagpasok sa kanyang sasakyan. Ilang segundo pa siyang nanatili sa labas bago sumunod papasok.
"Payag kang ihatid kita?" pagkukumpirma niya sa akin.
Bumuntong hininga ako at saka siya nilingon. "Hindi mo ako ihahatid sa apartment ko," sabi ko. "Sasama ako sa'yo pauwi para masigurado kong ligtas ka."
Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata at maagap na umiling. "Hindi na kailangan," pagtanggi niya. "Ihahatid kita sa inyo. I promise, I'll be home safe."
Humalukipkip ako para ipakita sa kanya ang aking 'di pagsang-ayon. "Sasama ako sa'yo," pinal kong sabi.
His lips parted. I could feel that there were so many unsaid words deep within him, but he just smiled and nodded before he started driving.
Sa pagkakaalala ko noong nakausap niya si Tita Bella dito sa kanyang sasakyan, hindi na siya roon madalas umuuwi. I concluded that he's already living alone. Kung mag-isa lang siya, walang mag-aalaga sa kanya. Hindi kakayanin ng konsensya ko na hayaan siyang mag-isa ngayong hindi maganda ang pakiramdam niya.
I watched Rojan as he drove passed by different establishments on the way to his place. I was lucky that he didn't look nor glance at me. Hindi ako nahirapang panatilihin ang aking titig sa kanya.
Maybe I should really start learning how to drive. It's very convenient. Para na rin kapag ganito ang pakiramdam ni Rojan ay pwedeng ako na ang magmaneho ng kanyang sasakyan. I couldn't believe I let him drive while he's burning because of his fever. Dapat pala ay pinilit ko nang magtaxi na lang kaming dalawa.
Napakunot ang aking noo nang mapansing medyo pamilyar sa amin ang daan na aming tinatahak. Bago pa ako makapagtanong kay Rojan, lumiko na ang sasakyan niya kung saan tanaw ko ang matayog na condominium kung nasaan ang unit na binigay sa akin ng Sarto.
His car went straight to the parking lot of the same tower as mine, and if I remembered correctly, this was also the same spot where he parked his car before when we checked my unit.
"Hindi ba't—"
Hindi ko pa natutuloy ang aking itatanong ay nagsalita na siya bilang paliwanag.
"I don't live at my family's home anymore. My unit's here..." he said.
He walked straight inside the hall and into the elevator. He couldn't even look straight at me, especially when I saw that the lift stopped at the same floor.
BINABASA MO ANG
Lethal Attachment
Romance[ARDENT SERIES #3} I loved him but being with him was very lethal. It may not kill me physically, but it was killing me emotionally. Our relationship was a lethal attachment. And so, I detached myself from him to keep on living.
