#LethalAttachmentWP
Chapter 16
Betrayal
"Sigurado ka ba't hindi ka pa napapagod magmaneho? Pwede namang ako na muna," alok ni Papa kay Rojan nang magstop-over muna kami upang kumain ng meryenda sa isang sikat na fast food restaurant.
Rojan actually paid for all the food we ordered. Even if we didn't want him to, he still insisted.
Sobrang nahihiya na nga ako kay Rojan dahil hindi na niya kami pinagbayad ng gas ng sasakyan at ang bahay pa nila ang gagamiting bakasyunan pagkatapos ay siya pa ang nagbayad ng meryenda namin ngayon. Well, I'm aware that they're filthy rich, however, I'm still so reluctant about letting him pay for myself and my family when I should be the one providing it.
"Dapat ay hinayaan mo nang ako ang magbayad," bulong ko kay Rojan habang hinihintay naming maayos ang inorder na mga pagkain. "Tuwing bumibisita naman sina Mama ay ako ang gumagastos."
"Wala lang 'to, Kriesha," sabi niya. "At saka gusto ko talagang may ibigay sa kanila kahit papaano."
"Letting us stay in your rest house for this trip is already enough, Rojan. Pagkatapos ay sasakyan mo pa ang gamit papunta roon. Malaki na ang natipid ko nang dahil sa pagmamagandang loob mo," nahihiya kong sabi sa kanya. "Sana ay inipon mo na lang 'yang pera mo."
He leaned on the counter, but he was still looking at me. "Don't worry too much," he said and gently pinched my cheek. "My mom gave me an extra allowance for this trip. I'd rather spend it for you and your family. And besides, it's not like I can see and treat them from time to time."
I pursed my lips before I sighed and smiled. "Thank you..."
He smiled back at me. "Anything for you."
Pagkatapos naming kumain ay agad kaming nagpatuloy patungong Batangas. Nahihiya pa nga ako kay Rojan dahil nakatulugan ko ang biyahe. Nang magising naman ako ay malapit na kami sa kanilang rest house. Nilingon ko ang labas at nakita ang ganda ng dagat na aming nadadaanan.
I smiled as I suddenly remembered the beautiful Bela Isla. Ngunit sa nakikita ko ngayon, kung ako ang tatanungin ay masasabi kong mas maganda pa rin ang Bela Isla. It's an unbiased opinion. I was simply evaluating based on its visuals.
Isang liko ang ginawa Rojan at natanaw ko kaagad ang nag-iisang malaking bahay na nakatayo sa 'di kalayuan. Hindi pa man nakakalapit ay namamangha na ako. I didn't even know how to describe its architecture.
Naalala ko tuloy ang mga kabahayan ng mga pamilyang Valiente at Buenviaje sa amin. I wasn't even exaggerating because it's that huge, and even the style was somehow similar. However, this rest house took a white motif. It looked very clean and classy.
Galing sa mabatong daan ay kita kong unti-unti na itong nagiging buhangin. Bigla tuloy akong na-excite na makalabas na ng sasakyan at tumapak doon sa buhangin kaya nang itinigil ni Rojan ang sasakyan sa harap ng magarang bahay ay hindi na ako nakapaghintay. Agad na akong lumabas ng sasakyan at hinubad ang aking tsinelas upang maramdaman ang pinong buhangin sa aking mga paa.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng sasakyan at ang baritonong tawa ni Papa. "Mukhang miss na miss mo na ang Bela Isla, ah."
I just smiled because it's true. I really do miss my hometown where I could go to the beach whenever I wish to or feel like swimming.
"Ayon 'yong court!" dinig kong sigaw ng aking kapatid at agad na tumakbo patungo sa half-court na nasa harapan lang din ng bahay.
Dala-dala na ng kapatid ko ang bolang ibinigay na sa kanya ni Rojan. He tried dribbling the ball and I was amazed because he could actually do it pretty well. He also shot the ball in the ring. I slightly gasped when it went through.
YOU ARE READING
Lethal Attachment
Romance[ARDENT SERIES #3} I loved him but being with him was very lethal. It may not kill me physically, but it was killing me emotionally. Our relationship was a lethal attachment. And so, I detached myself from him to keep on living.
