Prologue

233K 4.3K 673
                                    

Prologue

I was in full awe while watching him dribble the ball using his left and right hand alternately, making the ball bounce in a striking v-formation. I was sure that he had a fast hand skill when dribbling the ball, but suddenly, it slowed down as my eyes drifted into his captivating eyes that were filled with fierceness as he stared at his opponent.

I never knew that someone who looked like danger can be so attractive to me. His eyes were like a poison that looking at it can be so lethal.

Bigla naman akong nagulantang nang bigla siyang gumalaw upang mabilis na makakawala sa kalaban na nakabantay sa kanyang harapan. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko na nasundan ang bawat galaw niya. Ang tanging nasundan ko na lang ay ang pagpasok ng bola sa ring galing sa kanyang mga kamay kasabay ng pagtunog ng buzzer at sigawan ng mga taong nanonood sa gym.

Habang nagsisiyahan at nagdidiwang ang ibang mga kamag-aral ko ay nanatili akong nakaupo at pinoproseso ang nangyari.

I wasn't even aware that my jaw had dropped already when someone closed it for me.

Nilingon ko naman si Walter na siyang nagpatikom sa aking bibig. Nakasimangot siya sa akin kaya naman ngumiti ako sa kanya.

"Mukha kang tanga," seryosong sabi niya sa akin.

Agad naman akong napasimangot saka mabilis siyang inirapan bago inilipat ang tingin pabalik sa court kung saan pinagkukumpulan na ang lalaki nasiyang nakakuha ng aking buong atensyon.

Napahawak ako sa aking dibdib nang biglang nagharumentado ang aking puso nang makitang sumilay ang kanyang ngiti habang tinatapik ng mga ka-team mates ang kanyang balikat.

I smiled watching him smile.

I suddenly wanted to thank our PE teacher for watching the championship game of our institute against another institute as a part of our grade, making it mandatory for the whole class. Kung hindi naman kami ni-required na manood ay hindi naman ako mapapadpad dito.

May lumapit sa kanila upang ibigay ang championship trophy sa kanya ngunit agad niya naman itong pinasa sa katabing may nakasabit na pito sa leeg. Paniguradong ito ang kanilang coach.

Bumulong naman siya sa ibang kasamahan at pati na rin sa kanilang coach bago tumalikod at umalis sa pagkukumpulan.

"Sarmiento..." bulong ko sa apilyidong nakatatak sa likuran ng kanyang jersey kasama ang numerong dalawang zero.

May mga ilang huamaharang sa kanya upang batiin sa pagkapanalo ngunit tinatanguan niya lamang ang mga ito at saka ngumingiti.

Nakakapanlinlang ang ipinapakita niyang awra kapag nasa gitna siya ng paglalaro. Taliwas sa maaliwalas niyang personalidad na ipinapakita sa mga nakakasalubong na bumabati.

"Hindi ka mapapansin niyan..."

Muli ko namang binalingan ng tingin ang panirang si Walter. Simula pa noong bata pa lamang kami ay napalaking panira niya na sa buhay. Ngayon na nasa Maynila na kami at nasa kolehiyo ay hindi pa rin siya nagbabago.

"Alam ko," sabi ko na lang at saka umismid bago kinuha ang bag na nilapag ko sa aking harapan.

"Sobrang yaman at maimpluwensya ang pamilya niyan," pagpapatuloy niya. "Alam mo ba na ang hotel na pinagganapan ng acquaintance party ng department natin ay pagmamay-ari ng mommy niya? Pagkatapos ay may ibang kompanya pa ang daddy niya."

"Hindi ko alam," simpleng sabi ko at saka tumayo.

"Oh, saan ka pupunta?" tanong niya at umambang tatayo na rin nang pigilan ko siya.

Lethal AttachmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon