Chapter 32

80.5K 2.5K 312
                                    

#LethalAttachmentWP

Chapter 32
Superiority

Pagpasok ko nang lobby ay agad kong namataan si Rojan na kausap ang clerk sa front desk. He looked worried and frustrated at the same time. Any second from now, it looked like he's going to raise hell.

Lumapit ako upang malaman kung ano ang nangyayari. Mamaya ay pinapagalitan niya na naman ang clerk dahil sa kwarto naming dalawa.

"Rojan," pagtawag ko sa kanya.

He immediately cut off his conversation with the front desk clerk when he heard my voice. He turned to me, and I saw how he calmed down. Kitang-kita iyon sa kanyang ekspresyon pero agad ding napalitan ng iritasyon habang papalapit sa akin.

Napansin kong basa pa ang kanyang buhok at hindi pa ito naaayos. It looked like he went straight here from the shower. Ang kanyang damit ay mayroon ding mamasa-masang parte. Hindi niya ata napatuyo ng maayos ang kanyang buhok at katawan.

My eyes drifted on his fist holding a crumpled sticky note. If I wasn't mistaken, that's the sticky note where I left my message. It had the same color.

"Where did you go?" he fired me a question as soon as he closed our distance.

Halos manginig ang aking kalamnan sa takot dahil sa kanyang boses at hitsura. Pakiramdam ko'y kapag may mali akong naisagot ay sasabog na siya.

"Lumabas lang ako sandali para maglakad-lakad..." sagot ko. "Bumalik din ako kaagad dito dahil malamig."

"Hindi ka man lang nagpaalam sa akin." Dinig na dinig ko ang kanyang prustrasyon.

Napalunok ako upang makalma kahit papaano ang sarili bago muling sumagot ngunit 'di ko maiwasan ang pagkautal. "N-Nag-iwan ako ng sulat..."

"Uhuh..." Inangat niya ang kamay kung nasaan ang sticky note na iniwan ko. "Ang sabi mo lang dito ay magpapahangin ka. You didn't even state where you will be going. Kung ano ang mangyari sa'yo rito, you're my responsibility."

I understand his reason regarding his frustrations. Tama nga naman siya. Kung ano man ang mangyari sa akin dito ay siya ang magiging responsable dahil siya ang boss ko. He had the right to be worried.

"I'm sorry..." I sincerely apologized. "I promise it won't happen again."

Bumuntong hininga siya kasabay nang paglambot ng kanyang tingin sa akin. Nawala na ang lahat ng prustrasyon ngunit natira roon ang takot.

"Ano na lang ang gagawin ko kapag nawala ka ulit?" pabulong niyang tanong.

My lips parted as I raised my head to look at him properly this time. He kept his worried expression before he deeply sighed once again and held my hand without saying another word.

"Saan tayo pupunta?" nabigla kong tanong dahil hila-hila na niya ako ngayon kung saan man kami pupunta.

"Babalik na tayo sa kwarto natin," walang pag-aalinlangan niyang sagot. "Magpahinga na tayo."

I just stared at his broad back as he kept holding my hand like I would escape from his hold anytime from now. Even when we were inside the elevator, he still didn't let go of my hand. He only released my hand when when we finally returned to our suite.

He went straight to the couch and grabbed his towel placed on the armrest. Tahimik niyang pinatuyo ang kanyang buhok habang ako ay halos tumingkayad patungo sa higaan. Dahan-dahan akong umupo roon at saka humiga. Tinabunan ko ang aking sarili ng comforter dahil sa lamig. Hindi ko nga magawang tanggalin ang jacket. Sa tingin ko'y matutulog akong suot ito.

Lethal AttachmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon