Chapter 45

90.3K 2.2K 140
                                        

#LethalAttachmentWP

Chapter 45
Obsessive

Because I wanted to make up to Naiyah, I took the opportunity of helping her move in to a new place she bought for herself. I asked Drew to help me, and he understood what I wanted to happen. Kahit na alam kong gusto niyang mapag-isa kasama si Naiyah ay pinagbigyan niya ang kagustuhan kong makabawi. Ganoon din ang gustong gawin ni Walter kaya sumunod din siya upang tumulong.

"Uuwi ka ng Bela Isla, Drew?" gulat kong tanong kay Drew nang madinig ang kanilang pagplanong umuwi sa amin.

Drew nodded at me. "I'll go home with Naiyah."

"Kasama si Iyah?" Sumulyap ako kay Naiyah bago ipinirmi ang tingin kay Drew para sa aking susunod na tanong. "Kailan?"

"Next weekend," sagot ni Drew. "Uuwi muna kami roon dahil may kailangan akong asikasuhin. Sasamahan ko rin si Naiyah sa school para kuhanin ang TOR niya at para magpaalam sa kanila."

Bahagya akong naguluhan sa huli niyang sinabi. "Magpaalam para saan?"

"We will go to Japan for a business trip next, next week," he explained.

"Sasama ako pag-uwi sa Bela Isla," pagsingit ni Walter nang saglit akong matahimik. "Titingnan ko ang pinapatayo kong bahay sa may Tanawan."

Napunta kay Walter ang aking atensyon dahil bigla-bigla ang kanyang pagdedesisyon na umuwi. "Bakit hindi ninyo sinasabi na may mga balak pala kayong umuwi?"

"Next month pa sana ako uuwi pero gusto nang patingnan sa akin ni Mama ang bahay kaya sasabay na ako kina Drew at Naiyah sa pag-uwi next week," paliwanag ni Walter.

I bit my lower lip. I didn't want to get left behind. And besides, I promised myself that I'd spend more time with Naiyah. It'll be a good idea to go on a trip with them back to Bela Isla.

"Kung gano'n ay sasama na rin ako pag-uwi!" agad kong pagdedesisyon.

"Next week na iyon, Kriesh," paalala ni Naiyah sa akin. "Wala ka bang trabahong maiiwan?"

"Meron, pero pwede akong humingi ng urgent leave," sabi ko at saka nagkibit-balikat.

"Papayagan ka bang gano'n?" inosenteng tanong ni Drew. "As far as I know, Sarto's kinda strict when it comes to their employees."

Humilig si Drew sa sofa kung saan ako nakasandal kaya naman mas lalo kaming napadikit sa isa't isa. He may sounded innocent, but I knew better. Alam niyang si Rojan ang boss ko. Nang-iinis siya.

"No worries. Sure akong papayagan ako," nakangiting sabi ko sa kanya nang walang pag-aalinlangan. "Hindi pwedeng kayo lang ang umuwi. Sasama ako sa inyo. Matagal na rin akong hindi nakakauwi sa amin at laging sina Mama ang dumadalaw rito. Sila naman ang dadalawin ko. I'll surprise them."

There were some pending proposals that kept me busy for this week that I needed to study and take note of. I was making an overview for each of the proposals to be sent via email to Rojan. Para pagbalik niya ay medyo pamilyar na siya rito. I was almost done with them and I could certainly finish it before our planned trip to Bela Isla.

At saka weekend lang naman ako mawawala. Siguradong nakabalik na ako bago pa makauwi si Rojan o maaaring sabay lang kami.

Tumango-tango na lang si Drew sa akin. "Your choice."

Ngumiti na lang at nahagip ng aking tingin si Walter na tahimik lamang habang hawak-hawak ang pizza. Of course, he's quiet. We're talking about my work and subtly, my boss, Rojan whom he doesn't like.

Nang mapansin niya ang aking pagtitig sa kanya ay nilingon niya ako. Tipid siyang ngumiti sa akin bago muling nag-iwas ng tingin at inubos na ang kanyang pizza.

Lethal AttachmentTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang