Chapter 18

79K 2.1K 118
                                        

#LethalAttachmentWP

Chapter 18
Pressure

"Ayos lang ba ang suot ko?" nahihiya kong tanong kay Rojan nang lumabas ako sa aking kwarto.

I decided to wear the dress that I don't usually wear. It was a red halter dress which was slightly conservative as the neckline wasn't that deep. I also wore a light make-up just to put some color on my face and dolled myself up.

Medyo nahirapan pa nga ako sa pagma-make up dahil ako ay may pagka-tan. Ito ang naging resulta sa pagbibilad ko noon sa araw at pati na rin ang laging pagligo sa dagat. Pero ayos lang ako sa aking kulay, pakiramdam ko kasi'y hindi bagay sa akin kapag masyado akong maputi. Besides, it toned my body even more that highlighted my curves.

Rojan's eyes lingered on my body for a while before he looked at my face. "Are you comfortable with that?" he asked me.

I slightly pursed my lips and nodded.

"If you're comfortable then, that's fine. That is what's important," he said and came up to me. His hand rested on my waist as he kept on staring at my face. "I'm just gonna guard you and keep you beside me all the time for wearing such a striking dress."

Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi dahil sa kanyang sinabi. Bigla tuloy akong hindi naging kumportable sa aking suot. Bakit niya pa kasi kailangang sabihin 'yon?

He laughed when he saw my expression. Marahan niyang pinisil ang tungki ng aking ilong habang ang namamanghang mga mata ay nakatitig pa rin sa akin.

"You're so cute when you're looking so shy," he commented.

Pilit kong kinunot ang aking noo at mas lalo lang siyang humalakhak. Tinalikuran ko siya upang mauna nang lumabas at agad niya naman akong sinundan.

"'Wag mo naman po akong iwan," malambing at mapaglaro niyang sabi.

Muli niyang hinawakan ang aking bewang at sumabay sa aking paglalakad.

"Heh! Tara na nga!" naiinis kong sabi sa kanya kahit na pigil na pigil naman ako sa kagustuhan kong ngumiti.

"Masusunod po," magalang niyang sabi.

Pinatunog niya ang kanyang sasakyan at binuksan ang passenger's seat upang makapasok na ako sa loob, ngunit hindi siya kaagad umalis nang makaayos ako sa pagkakaupo. Ang isa niyang kamay ay humawak sa dashboard habang ang isa naman ay sa gilid ng aking inuupuan.

Nakakaliyo ang kanyang tingin sa akin. Pakiramdam ko ay nilalasing ako ng kanyang tingin. Rojan's eyes were that powerful. Once it stares at you, it can give you the emotion that it ought to make you feel. It was so expressive that you can't even resist it.

"I'm teasing you because you're looking so beautiful and I might not be able to resist myself from kissing you," he admitted bluntly. "But in the mean time, I can settle for this..."

My eyes were wide open when he leaned in for a kiss on my cheek. The place where he planted his kiss was very near to my lips that I almost felt it. My body felt like it was being electrocuted because of the almost kiss on the lips. I couldn't collect my thoughts properly. I was stunned and couldn't even react to the quick kiss.

Hindi pa iyon sa labi pero halos magwala na ang buong katawan ko sa nabigay no'ng kakaibang sensasyon sa akin. Hindi rin nakatulong ang pamumungay ng kanyang mga mata na panigurado akong sinasalamin din ng akin.

Rojan suddenly cleared his throat and looked away from me. "Well, that's a bad idea..." he whispered to himself before he quickly closed the door and went to the driver's seat.

Lethal AttachmentWhere stories live. Discover now