Chapter 17

79K 1.7K 132
                                        

#LethalAttachmentWP

Chapter 17
Royal

Walter and I were sitting together at the gutter, but with a distance between us that's enough for two people to sit with us. The atmosphere was so quiet and cold that I almost shiver. We were sitting here for almost ten minutes in silence. He wasn't talking to me, and I couldn't bring myself to speak first. I was happy and contented that he didn't walk out and turn his back on me.

My phone vibrated after a while because of the message I just received from Rojan.

From: Rojan
I'm home. My cousins are here already. Just gonna take a quick shower and then, we're off to The Island.

I bit my lower lip and decided to type in my reply quickly.

To: Rojan
Okay. Please take care.

Ibinaba ko ang aking cellphone at halos mapatalon ako sa biglang pagsasalita ni Walter na kanina pa tahimik.

"Si Rojan ba 'yon?" tanong niya sa akin.

Bahagya ko siyang nilingon at nakita kong hindi siya nakatingin sa akin kundi sa kawalan. Bumuntong hininga ako at saka tumango.

"Oo..." sagot ko.

His jaw clenched once again and balled his fist. I could see his knuckles turned to white because of that action.

"Bakit ang bilis naman ata, Kriesha?" tanong niya sabay lingon sa akin. Agad na tumama sa akin ang kanyang namumungay na mga mata.

Ako naman ngayon ang nag-iwas ng tingin sa kanya. Kailangan ko nang aminin na matagal na kaming lumalabas ni Rojan at hindi ko lamang iyon sinasabi sa kanya kaya wala siyang kaalam-alam.

"We've been spending time with each other for the whole sem..." I finally admitted. "Madalas kaming lumabas para mamasyal, magkasama rin kaming kumain pati na rin sa pag-aaral. He's... He's a great man, Walter."

He sported a smirk sarcastically before he stood up. I thought he was already leaving, but he turned to me again with a frustrated expression. His eyes were bloodshot. I didn't know he'd be this angry at me for keeping secrets from him.

"Hindi mo man lang sinabi sa akin?" punong-puno ng hinanakit ang kanyang boses.

"Hindi ko sinabi sa'yo dahil alam kong hindi maganda ang tingin mo sa kanya," katwiran ko. "Sinabi mo rin sa akin noon na hindi naman kami nababagay, 'di ba? Kasi naiiba siya sa akin... sa atin! Pero napatunayan kong mali ang iniisip mo tungkol sa kanya."

"Nasasabi mo lang 'yan ngayon dahil bago pa lang kayo!" sagot niya pabalik. "Of course, he'll show you all the great things about him that he wanted to show because he likes you and he wants you. But let's see how you two will end up in the long run... Sasabihin mo sa akin na tama pala ako at dapat nakinig ka na lang sa akin."

Ang mga binabato niyang mga salita sa akin ay parang punyal na tumatama sa aking dibdib. Pakiramdam ko ay unti-unti ako nitong sinisira.

"Look, Kriesha..." medyo huminahon ang kanyang boses. "Sinasabi ko 'to sa'yo dahil ayokong masaktan ka."

Alam ko... Alam ko naman 'yon pero... "Why don't you just support me on this one, Walter?" Sa wakas ay nailabas ko na ang mga salitang nais kong itanong sa kanya.

If I'd get hurt eventually like what he predicted, then, that's okay. Kasama naman talaga 'yon sa pagmamahal, 'di ba?

Matagal ko na itong pinag-isipan. Nang tanggapin ko sa aking sarili ang nararamdaman kong ito para kay Rojan ay kasama na no'n ang pagtanggap ko sa mga posibilidad na maaaring mangyari. Kasama na roon ang posibilidad na magkakaroon kami ng mga away at hindi pagkakaunawaan na pwedeng maging sanhi kung bakit namin masasaktan ang isa't isa.

Lethal AttachmentWhere stories live. Discover now