Chapter Twenty Three~ They're Back!

623 26 7
                                    

Maxine's P.O.V

Nandito na kami sa bahay. Nagkulong lang si Cassie sa kwarto niya. Si Amanah naman ay gising narin at katabi ko. Nasaan kami? Nasa sala at nakatunganga. Binasag ni Micah ang katahimikan.

"I'm gonna cook our dinner." Sabi niya at umalis. Napatingin naman ako kay Binj nang tumayo rin siya.

"Oh? Saan ka naman pupunta?" Tanong ni Amanah.

"To my room."

Umakyat na siya kaya naiwan na lang kaming dalawa ni Amanah dito. Nagkatinginan kami.

"Mag-away tayo? Ang boring. Sobrang tahimik naman kasi ngayon." Suhestisyon niya kaya napailing ako.

"Gaga ka talaga. Umakyat ka na at magpahinga. Magpapahangin lang ako sa labas." Sabi ko at tumayo na rin. Nagkibit-balikat lang siya at sinunod ang sinabi ko.

Lumabas na ako ng bahay. Malapit nang mag alas-otso ng gabi. Tinignan ko ang katabing bahay namin. Napangiti na lang ako nang maalala si Bridge. Ang gwapong gentleman na iyon.

Napalayo na ako sa bahay ng maramdaman kong may sumusunod saakin. Kinabahan na ako. Inihanda ko na ang dagger ko.

Binilisan ko pa ang lakad ko hanggang sa tumakbo na ako. Hindi na ako lumingon sa taong humahabol saakin. Kinakabahan ako na ewan.

"Krizell..."

Bigla akong napahinto dahil sa narinig kong boses.

A-Ang boses na i-iyon. Tumingin ako sa likuran ko at muntik na akong mapaatras dahil sa gulat.

"Krizelle Maxine D'vois! Ang bilis mo paring tumakbo."

No... Please tell me it's a dream.

"What are you  doing in here? Tyrone?" I asked in gritted teeth. Ugh! I hate him. He looked at me and smile.

"I missed my girl..." He said that made me mad.

"ASSHOLE! I'M NOT YOUR GIRL ANYMORE! DAMN YOU!" I shouted loudly. The sight of him made me sick.

Ngumiti siya ng malungkot.

"I know that you're still mad at me. But, please----"

"Maxine?"

Napatingin ako sa nagsalita. Shit!

"Bridge..."

"Are you okay? I heard your scream." He said worriedly. Tumakbo ako sa kanya. Napansin kong mas pumait ang ngiti ni Tyrone.

"I'm okay." I said. But, I'm not really okay. Who would be if you have seen your ex. Damn!

Bumaling ang tingin ni Bridge kay Tyrone. Oh no! I smell and feel trouble. Like seriously.

"Who are you?" Sabay nilang tanong sa isa't isa. Magsasalita na sana ako ng sabay rin silang nagsalita.

"I'm her ex."

"I'm her friend"

Damn...

Cassandra's P.O.V

"Ahh! Bakit ba---OH MY GOD! Damn! What the hell?! Ginulat mo ako! Bakit ba ang aga-aga mong nagising?! Himala!" Mahabang sansala ko.

"Wow. Nagsalita ang maagang gumising." Sabi niya at tumingin ulit sa kasalan.  Kumuha ako ng tubig sa ref at uminom.

"I saw Tyrone." Muntik nang bumuga palabas ang tubig na iniinom ko.

"W-what? You mean Tyrone Jaze?" Pigil-hiningang tanong ko. Is that mean...

War Of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon